Tiyak na tinangkilik ng marami ang tambalan nila ni Joshua Garcia at Julia Barretto na nagpapakilig sa buong online community. Marami ang nagsabi na isa sila sa mga hinahangaang teen celebrity couples. 

Ngunit kamakailan lang din ay maraming mga "Joshlia" fans ang nalungkot nang kumalat sa social media ang balitang hiwalayan nilang dalawa. Kumalat din ang balita na may nangyaring "third party" sa pagitan ng relasyon ng dalawa. 

Hanggang sa kalat na kalat na ang balita na nakita ng mga fans ng "Joshlia" na magkasama sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa isang event. 

Kamakailan lang ay naging trending ang relasyon nila ni Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Samu’t saring komento ang binigay ng mga netizen tungkol sa relasyong Julia at Gerald.

Inamin naman ng dalawa sa harap ng publiko ang kanilang relasyon. Kahit pa man sa mga balitang kumakalat na hindi magandang simula ng kanilang relasyon, marami pa rin ang todo suporta sa relasyon nila ni Julia at Gerald Anderson. 


Ngunit may iba rin naman na hindi matanggap ang relasyon ng dalawa. Panay ang mga bash at harsh comments sa ini-announce na kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa. Marami rin ang nagbigay ng kanilang espekulasyon na third party ang dahilan ng hiwalayan ni Bea at Gerald.

Sa kabilang banda, mula sa masakit na karanasan, bumida ulit si Joshua Garcia sa isang bagong music video kasama ang aktres na si Kira Balinger.

Ang nasabing video ay para sa isang brand endorsement na pinamagatang "Natagpuan"

Ito ay ibinahagi ni Joshua sa kanyang Instagram account, “Kung paano ko siya natagpuan…” saad ni Joshua sa kanyang caption.

Matatandaang si Kira Balinger ay nakitaan ng potensyal sa mundo ng pageantry. Minsan sa kanyang panayam, namention niya na isa siyang pageant-obsessed at gusto niyang mag uwi ng crown. 

Sinabi naman ng aktres na sobrang bata pa daw niya para mag focus sa pageant at marami pa siyang mga bagay ang dapat bigyan ng prayoridad at marami ring mga bagay na dapat pa niyang matutunan bago siya sumabak sa pageantry. 

Kaya marami ang kumukuha sa kanya para sa mga commercial endorsements at sa pagkakataong ito ay malakas ang nakitang chemistry nila ni Joshua Garcia. 


Joshua to Balinger: Right now, we are still in the ‘getting to know each other’ stage. But our story has just started. There is still a lot to watch out for.

Si Joshua Garcia ay isang aktor dancer at commercial model. Nagsimula siya sa kanyang professional acting career noong 2015 matapos siyang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother. 

Source: socmedtoday