Isa sa mga kinagigiliwang celebrity couples ngayon ay sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Matatandaan ang kanilang naging kontrobersyal na simula sa kanilang relasyon matapos masangkot sa isyung umano'y may kinalaman sa "third party."

Maalalang trending na trending si Bea Alonzo matapos eksklusibo niyang ipinahayag sa MEGA Entertainment Magazine ang kanyang take away sa relationship at painful break up nila ni Gerald Anderson.

Nagkaroon ng rebelasyon noong February 28, 2021 kasama ang MEGA Entertainment Editor na si G3 San Diego tungkol sa kanyang totoong nararamdaman sa controversial break up nila ni Gerald Anderson.

Nang tinanong ni G3 San Diego si Bea tungkol sa Bea kung anong advice ang ibinigay ng aktor at perennial screen partner na si John Lloyd Cruz sa last break up niya.

“Merong ‘I told you so’ moment of course, because he never really wanted that guy for me. Well, he never wanted anybody for me. He told me that I can survive it, and he kept telling me that I don’t love him, sabi ni Bea.

“But I didn’t believe him. Because I loved Gerald. I’ve always been into self-preservation when it comes to relationships. I’ve always been the Alpha. Yeah, and it was the first time that I really let myself go and just love fully,” sabi ni Bea kung gaano siya kamahal si Gerald.

Ngunit sa kabila ng mga lumalabas na tsismis na hindi naging maayos ang simula ng relasyong Julia Barretto at Gerald Anderson, marami pa rin sa mga netizens ang nagpakita ng kanilang suporta para sa relasyon ng dalawa. 

Nitong mga araw lang ay kalat na kalat sa social media ang video nina Gerald Anderson at Julia Barretto na naghol holding hands habang naglalakad.



Sa official page ng juralds.officialfanpage sa Instagram, marami ang natuwa at kinilig sa kanilang video at natuwa sa kanilang sweet relationship.

Mababasa sa page na ito na suportadong suportado nila ang relasyong Julia at Gerald. Walang nambasag sa dalawa. Todong todo ang suporta ng fans nila.

Basahin ang mga nasabing mga komento ng kanilang mga fans:

“Sweet yarn?! Ok lang mahaba ang lakarin basta ka HHWW mo c gerald, db baby? Ju sub kelangan mo? Hahahaha!” caption ng official fan page IG account sa video.

Ang daming nag-react, all of them positive at nambasag pa sa bashers ng magdyowa.

“This brings back BM premiere night feels.”

“Naku lalong hindi maka move on mga Bashers & Haters nyan admin…masyado mo namang pinapa bitter.”

“Na burn agad mga unggoy na bashers ng JuRald.”

“Gandang pagmasdan sila di ba? Nakakatanggal pagod…..road to for ever na yan ha.”

“Hehe dami na naman tatahol nyan.”

“Parang Justin B and Hailey B ah, HHWW! Stress at pagod ako kanina but now, maygad JuRald.”

“Daming tigers mag wawala na naman!”

“So sweet, I love it, stay strong, stay in love lovely couple. Jurald… God bless you both.”


Matatandaan sa isang heartfelt interview kay Gerald Anderson sa isang ABS-CBN show na “I Feel U,” napag usapan ng host, Toni Gonzaga at ni Gerald Anderson ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. 

May inamin si Gerald na ayon sa kanya ang relasyon nila ni Julia Barretto ay nagbigay ng kakaibang happiness, inspirasyon at motivation sa kanya. Sabi niya na ang ganitong klaseng malalim na pakikipagrelasyon ay marahil maiuugnay sa kanyang maturity sa edad na 32.

“Ibang joy, ibang inspiration, hindi ko rin ma-explain eh,” [aliwanag ni Gerald kay Toni.

Sinabi niya na ang pakikipagrelasyon niya kay Julia ang siyang nagbigay ng motivation sa kanya at kakaiba talaga ang kanyang naramdaman sa ngayon. 

Source:BANDERA