Nag viral ngayon ang post ng isang security guard sa isang kilalang restaurant na Mang Inasal tungkol sa naging reklamo niya sa manager umano ng kanyang pinagtatrabahuhan. Dumulong ang nagreklamo na security guard sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong sa sitwasyong kinakaharap niya ngayon. 

Malakas ang ipinapakitang ebidensya ng security guard laban sa manager nito. Sinabi pa niyang marami pang mga kalokohan umano ng manager ng nasabing branch ng Mang Inasal ang kanyang nabisto. 

Lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action ang security guard na si Mark Evan Bernal dahil sa naaktuhang mga kalokohan ng kanyang manager na si Alvin Joshua Francisco. Nalaman ni Mark Bernal ang pamboboso ng manager sa kanya.

Ayon sa security guard, hindi raw pinapagamit ang comfort room ng store at sinasabi ng manager na gamitin ang parang stock room nito. Kaya ganun na lamang ang pagtaka ni Mark Bernal na bakit hindi sila pinapagamit ng comfort room ng kanilang pinagtatrabahuan.

Nabisto na mismo ni Mark Bernal ang cellphone na pagmamay-ari di umano ng nasabing manager. Sa takot na mabaliktad lalo na at hawak na niya ang cellphone na naglalaman ng napakaraming ebidensya ng kalokohan ni Alvin, agad na nagsumbong na si Mark kay Tulfo. 

Desididong desidido ang security guard na magsampa ng kaso laban sa manager nito para mabigyan ito ng leksyon at hindi na mauulit pa ang ginagawang pamboboso ng kanyang manager sa iba pang mga nagtatrabaho sa nasabing branch ng Mang Inasal. 

Nangako naman si Tulfo na makakarating ang tulong na hinihingi ng security guard at sinabihan pa siya nito na wala siyang dapat katakutan dahil nasa katarungan siya at lalong lalo na walang kinalaman dito ang ‘Mang Inasal’ sa kagagawan ng kanilang manager. 


Isa ang programang Raffy in Tulfo Action na kinakapitan ng marami sa tuwing may mga pagkakataon na hindi patas ang naging pagkamit ng hustisya at sa mga sitwasyong masyadong isang side lang ang pinakikinggan at may karapatang makakuha ng karapat dapat na hustisya.

Kagaya na lamang ng isang nag trending na post sa Facebook ng isang babae na nagngangalang Netchelyn Arellano matapos humingi ito ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa paghain niya ng reklamo laban sa kanyang partner. 

Sa post ni Netchelyn sa kanyang Facebook account, nanawagan siya na sana maibalik ang kanyang pera na nagastos sa bahay na mismong pinaghirapan niya. Sinabi niyang apat na taon niyang pinakain, pinainom at libreng WiFi pa. Kahit ilang beses na itong nagloko sa kanya ay tinatanggap pa rin niya ng paulit ulit. 

Ayon kay Netchelyn, ang pinaghirapan niyang bahay ay binenta pa umano ng kanyang partner na si Willie Fetalvero at tinangay pa nito ang perang pinag bentahan sa Cagayan de Oro sa bago nitong girlfriend.

Nagkaroon na raw sila ng kasunduan sa barangay na sa Barangay Pag Asa sa Imus na kahit 200K man lang ay maibalik sa kanya dahil kahit piso ay walang naipon si Netchelyn. 

Marami ng mga tao ang natulungan ng programang Raffy Tulfo in Action dahil sa umanong agarab ang magiging aksyon at mabilis ang prosesong kakaharapin ng mga taong inabusado at mga nang-abuso. 

Sa panahon ngayon, marami ng mga naibalitang mga hindi kanais-nais na mga sitwasyon na nagdulot ng pagka abuso ng isang tao. Isa lamang ang programang ito na kinagigiliwan ng marami kapag may ganitong klaseng sitwasyon na hindi patas ang kanilang magiging paghatol ng mga taong nasa posisyon. 


Source: KAMI