Viral  ngayon ang pagpapaunlak ni Michelle Banaag ng isang panayam sa “Donekla in Tandem” matapos ang halos isang taon na kontrobersyal na hiwalayan nila ng kanyang dating ka live-in partner na si Tekla. 

Matatandaang kalat na kalat noon sa social media ang isyu sa pagitan nila ni Tekla at Michelle Banaag. Ang couple ay anim na taon ng magka live in partner. Noong October 2020, inakusahan ni Michelle si Tekla ng verbal abuse.

Sinabi ng kanyang ka live in partner, nagagalit daw si Tekla at nagsasalita ng mga di kanais-nais sa tuwing tumatanggi siyang siya na makipags*x sa kanya at tinitipid daw siya umano ni Tekla sa financial support--pagkain at iba pa.

Umabot pa sa programang Tulfo at doon nagkaharap ang dalawa. Sinabi lahat doon ni Michelle Banaag  ang kanyang reklamo tungkol sa kanyang ka live-in partner. 

Sa recent interview ni Donita Nose, kaibigan ni Tekla, kay Michelle Banaag, gayung alam na ng marami na masama rin ang loob nito sa kanyang dating ka live-in partner na si Tekla dahil sa nangyaring isyu, ipinaunawa nila sa publiko na hindi talaga gusto noon ni Donita Nose si Michelle para kay Tekla.

Ngunit ayon kay Donita, nakikita na naman niya ang pagbabago ni Michelle Banaag sa naturang interview.


Isa rin sa kanilang pinag-usapan ay ang kalagayan ng kanilang anak ni Tekla na si baby Angelo. Dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Michelle ang pagsisisi niya sa kanyang sarili tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang anak na ngayon ay patuloy pa rin ang gamutan. 

Ayon kay Donita na sinang-ayunan naman ni Michelle, marahil ang dahilan ng kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni baby Angelo ay ang kanilang mga alitan noon ng kanyang dating ka live-in partner na si Tekla.

"Sobra, sobra as in sobra! Masakit. Lalo nakikita ko 'yung mga pamangkin ko na inalagaan ko, sakin lumaki malulusog, matataba, okay normal. Samantalang sarili kong anak, bakit ganon?" emosyonal na pahayag ni Michelle. 

Nilinaw naman ni Michelle na hindi labag sa kanyang kalooban ang pagbubuntis niya noon ni baby Angelo at masaya pa nga siya nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak ni Tekla.

"Gusto ko, Masaya ako, blessing sakin 'yun eh," saad pa ni Michelle. 

Aminado naman si Michelle na hindi niya masyadong naalagaan ang kanilang anak na si baby Angelo kahit nang ipinagbubuntis pa niya ang kanilang anak. 


Nagpapasalamat pa rin si Michelle na kahit may ilang operasyon pang dadaanan ang kanilang anak, sinabi niyang bumubuti na ang kalagayan ng kanilang baby Angelo at dagdag pa niya, malaki ang idinagdag na timbang nito. 

Si Super Tekla ay isa sa mga kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem. 

Panoorin ang buong video dito!