Nakasanayan na ng mga bata na bata na kapag ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan ay hindi talaga mawawala ang mga balloons at cake sa isang handaan na may kasama pang spaghetti at kung ano pang mga pakulo sa isang handaan. 

Ngunit hindi talaga maipagkakaila na iba iba ang katayuan ng isang tao sa lipunan. May iba na masasabi nating kayang magkaroon ng engrandeng birthday party ngunit may iba talaga na dulot sa kahirapan, kahit isang cake man lang ay hindi niyang kayang bilhin. 

Kalat na kalat ngayon sa social media ang isang nakaantig na post ng isang nanay para sa kanyang anak. Hindi ordinaryong cake ang binigay niya para sa kaarawan ng kanyang anak. 

Sa post ng isang ina sa Maasin Southern Leyte, kitang kita ang niluyang na saging na hinulma para magsilbing cake para sa ika-11 na kaarawan ng kanyang anak.

Ayon kay Nanay Lea, ito na lamang ang kanyang naisip na paraan para lang may panregalo siya sa kanyang anak para sa kaarawan nito at kahit ganito lang kasimple ang kanyang cake, ay pinaghirapan niyang gawin ito.

Heto ang naging post ng nanay para sa kanyang anak sa kanyang Facebook account:

"Happy birthday dong, hinaot unta nga tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug tuda aron manambok na hehehe hinaot unta mahurot ng akong hinimo na nilosak cake nemu hahaha gikapoy raba jud ko ug lusak ana dong hahaha. I love you" 


[Happy Birthday dong, sana ay bigyan ka pa ng malakas na pangangatawan at kain ka ng marami para tumaba na hehehe sana maubos mo ang aking ginawang cake hahaha napagod akong gawin yan dong hahahaha. I love you]

Marami sa mga netizen ang naantig sa naturang post at nagbigay ng kanilang sariling komento at heto ang ilan sa mga pinakatumatak na komento mula sa mga netizen:

"The priceless cake  which  made in filled  love ingredients and effort  na hindi mabibili mababayaran ng kahit sino kahit s malaking presyo. Sooo unique and amazing cake ever."

M"ade with love and dedication to his son mas ok pa gani na sa subrang mahal cake sa pilipinas puro icing sugar, kumpleto ingredients sa tanan sakit.HAPPIEST BIRTHDAY KIDDO.me 3 dekada wala katilaw na hoping wishing soon  tani..πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ˜‹πŸ˜‹πŸ˜‹"

"It’s still a cake.. 


Abundance comes in many forms it isn’t always about money. 

They’re discounting themselves too much. 

Abundance could also be in a form of ideas and creativity (they’re abundant without even recognizing). πŸ™‚"

"Imagine, some are very grateful for having this little thing and there you are puros reklamo hays. Belated happy bday dong! Maayong lawas lat intawonπŸ˜‡πŸ₯ΊπŸ˜‡"

"Wow! Ang galing nman n nanay para lng mpasaya ang anak ginawa nya lhat khit mahirap gawin lalo n kng ngdidikit dikit n hehehe.. pero mas lalong masarap yn may kasamang pgmamahal. Happy bday!! God bless"

Source: facebook