Kalat na kalat ngayon ang usapan sa social media ang balitang hiwalayan ng celebrity couple na si Aljur Abrenica at Kylie Padilla na isa sa mga hinahangaan noon ng marami dahil sa kanilang relationship goals. 

Para bigyang linaw ang kumakalat na isyu, mismong si Robin Padilla na ang nagpaliwanag sa buong detalye para sa ikatatahimik ng lahat. 

Ayon sa action star, hindi raw siya nangingialam sa marital problems ng kanyang mga anak lalong lalo na pagdating kay Kylie dahil alam niya na sina Aljur lang at ng kanyang anak ang makakapagbigay ng solusyon sa kanilang problema. 

Sa chikahan na naganap sa pagitan nila ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, nabanggit minsan ng aktor na napag-usapan umano nina Kylie Aljur ang tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur. 

Tinanong ng talent manager kay Robin na kung paano niya hinarap ang isyung hiwalayan sa pagitan ni Aljur at ng kanyang anak. 

"Wala, wala namang...una, walang sinasabi yung anak ko.

“Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’

“Ito, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e,'” pahayag ng aktor.

Sinabi ng aktor na kailanman ay hindi talaga siya nanghihimasok sa relasyon nilang dalawa ni Kylie at Aljur lalong lalo na sa personal na problema ng mag-asawa. 

“Wala namang papel ang tatay doon, ako, ha. Ibig kong sabihin, hindi ka dapat makialam kahit na sa away ng mag-asawa ‘yon, e, may mga anak pa.

“Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre, (babae ang anak ko) at saka nasa akin ang remembrance, e. Naiwan yung…yung mga apo (Alas Joaquin at Axl Romeo) nasa nanay.

“Pero hindi yun ano, hindi isyu yun. Siyempre, walang sakitan ng pisikal. Ako, yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur, e,” aniya pa.


Hirit naman ni Binoe tungkol sa chikang may third party involved raw, “Meron daw, e. E, kaimposiblehan ba ‘yon? Hindi yun kaimposiblehan. ‘Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan.”

At naiintindihan daw niya ang sitwasyon ni Aljur kahit si Kylie ang anak niya, “Natural. Sino maiintindihan ko? E, lalaki ako.Kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon.

“Tanggapin na natin ‘yon, wala na tayo du’n. Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie noong nag-usap kami. Sabi ko, ‘Lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga, lalaki, e.’ E, wala, hindi raw niya kaya,” dagdag ng action star.

Feeling naman daw ni Robin ay maayos na naghiwalay ang anak at si Aljur, “Mukha naman. Kasi, noong Father’s Day, nandoon ‘yung mga bata.”

Sinabihan din niya ang dalawa na tigil tigilan na ang pag post sa social media tungkol sa kanilang problemang kinakaharap ngayon dahil kalat na kalat na ito at yung iba ay gumagawa na ng kani-kanilang mga istorya. 

“Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya ‘yan.’

“Baduy na baduy ako du’n sa social media. Para sa akin lang, makikita ng mga anak n’yo ‘yan. Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway.

“Bakit? Nagmahalan naman kayo, e, nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away.

“Dahil ano ang dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan. Hindi ‘yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan, lalo na nasa showbiz tayo,” paliwanag pa niya.


Nag-sorry ba si Aljur sa kanya? “Hindi na kailangan. Ang baduy nun, pare. Mag-sorry ka kung sinaktan mo nang pisikal. Iba ‘yon, hahantingin kita. Huwag mong gagawin sa anak ko ‘yon. Hindi ko sinaktan ‘yang batang ‘yan. Huwag mong gagawin ‘yon, pare.

“Pero yung mga ganyang nambababae, natatawa pa ako diyan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso,” aniya pa.

Naniniwala naman siya na mahal pa rin nina Kylie at Aljur ang isa’t isa, “Imposibleng wala ‘yan, meron ‘yan. Sana (maayos). Siyempre, para sa mga bata, sa mga anak nila.

“At sana huwag na nilang patagalin kung magbabalikan man sila. Kasi, kapag tumagal ‘yan, masyado nang maraming mangyayari,” sabi pa ni Robin.

Panoorin ang buong video dito!