Talagang tunay na naghatid ng lungkot ang nangyaring plane crash sa Sulu na siyang dahilan ng pagpanaw ng mga maraming sundalo. Ang pangyayaring ito ay nagbilin ng isang nakakalungkot na sugat sa mga naiwang mahal nila sa buhay. 

Walang sinumang tao na nabuhay sa mundo na tunay na nakakaalam kung ano ang mangyayari ngayon o bukas. Maaaring ngayon ay oras mo na at hindi mo na kailanman masisilayan pa ang mundo. 

Katulad na lamang sa nangyari na plane crash ng C-130 Hercules na dahilan ng pagkamatay ng mahigit 40 mga sundalo na nakasakay sa mismong aircraft. 

Sa mga naiwang pamilya ng mga namaalam na mga sundalo, hindi nila halos matanggap ang pangyayari at tila ba'y nakalutang pa rin ang kanilang isipan dahil sa nangyari. 

Kung may nakapag sabi lang sana sa kanila na huling araw na nila edi sana nakapagpaalam sana sila ng maayos sa kanilang pumanaw na mga kamag-anak. 

Ngunit nagulat na lamang ang mga netizen nang kumalat ang isang post ng nagpakilalang Rudy Baldwin tungkol sa kanyang vision na nagkakatotoo.


Sinabi niya sa kanyang post nitong June 3 ngayon taong lang na may nakikita siyang aksidente sa himpapawid  sa kanyang vision sa ibang bansa raw ito mangyayari. 

Dagdag pa nito, sinabi rin niyang may mangyayari ring aksidente sa himpapawid dito mismo sa ating bansa. Ngunit sinabi niyang maari pang magbago ang lahat ng kung ano man ang nakikita niya sa kanyang vision kapag tayong lahat ay manalangin at manalig sa Diyos. 

Hindi rin ito ang unang beses na nagkakatoo ang vision ni Rudy Baldwin kundi pati na rin sa mga lindol at pagpanaw ng iba pang mga celebrities. 

Minsan na rin niyang nakikita sa kanyang vision ang pagpanaw ng former president na si Pres. Benigno "Noynoy" Aquino III. 

Palagi namang sinasabi ni Rudy Baldwin na nasa mga tao lang talaga kung maniniwala sila sa mga vision niya. Sinabi niyang walang mangyayaring masama basta palagi lang tayong nagdadasal at may pananalig tayo sa Diyos. 

Basahin ang buong post sa Facebook na nakikita ni Rudy Baldwin sa kanyang vision:


"JUNE  3, 2021 IPAPAALALA KO SA LAHAT NA ANG PAGE KO AY NASA 3.7M OF FOLLOWERS 3.5M LIKES.# AKSIDENTI SA HIMPAPAWID ANG NAKIKITA KO NA MANGYAYARING PA LAMANG. IBANG BANSA ITO NA SASAKYANG HIMPAPAWID. AT ANG KULAY AY YELLOW AND WHITE AT RED. BLUE RED WHITE. AT ME KULAY GREEN AKONG NAKIKITA. LAHAT NG MGA NEGATIBONG VISION AY MAAARI PANG MAGBAGO KUNG TAIMTIM ANG PANINIWALA SA DIYOS." KAHIT DITO SA PILIPINAS ME AKSIDENTENG HIMPAPAWID ANG MANGYAYARI PA LAMANG. MANALANGIN LAMANG AT HUWAG MAKALIMOT NA MANALANGIN PALAGI."

Source: etechking