Isa sa mga sinusubaybayan ng mga tao noon ay ang celebrity at YouTuber couple na sina Toni Fowler at Rob Moya. Marami sa mga netizen ang kilig na kilig noon sa kanilang mga vlogs dahil sa kanilang mga couple videos. Dito mas nakilala ng marami si Toni at Rob.

Ngunit medyo matagal na rin na panahon ang nakalipas nang kumalat ang isyu na hiwalay na sila ni Toni Fowler at Rob Moya. Maraming mga naging espekulasyon ang mga netizen na kung ano ba talaga ugat ng kanilang pinag-awayan. 

Matatandaang naiugnay si Toni Fowler kay Jon Gutierrez o mas kilala bilang "King Badger" na dating asawa ng sikat na YouTuber at aktres na si Jelai Andres. 

Binulabog nina Toni at Rob ang kanilang mga fans sa social media matapos nakitang magkasama ulit ang dalawa.

Sa bagong upload na vlog ni Toni Fowler sa kanyang YouTube account, dito niya ibinahagi sa publiko ang muling pagkikita nila ni Rob Moya. 

Marami ang gumawa agad ng mga espekulasyon at mga paghihinala na baka raw nagkabalikan na ang dalawa dahil sa magkasama na umano ulit sila at ibinahagi pa ito mismo ni Toni. 

Sa programang, Raffy Tulfo in Action, may nilinaw si Toni Fowler sa publiko tungkol sa kumakalat na tsismis na nagkabalikan na raw sila ng kanyang ex boyfriend na si Rob Moya. 

Dito na ipinaliwanag ni Toni na hindi talaga sila nagkabalikan nin Rob Moya. Nagkita sila sa isang veterinary shop dahil lang umano sa aso na sinabi niyang pagmamay-ari ng kanyang ex boyfriend. 


Sinabi naman niya na magkaibigan pa rin sila ni Rob Moya ngunit walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na nagkabalikan talaga silang dalawa. 

"Sir Raffy, i-clear ko lang po. HIndi po kami nagkabalikan ng ex ko po. Nagkabati lang po kami at nagkapatawaran," sabi ni Toni.

"Ako po yung nag-reach out sa kanya... Tinawagan ko po siya para sa aso po namin," paliwanag pa ni Toni. 

Inamin naman ito ni Rob Moya na "okay" na talaga sila ni Toni Fowler matapos ang kanilang naging mga umuugong na controversies. Maaalalang nag viral ang dalawa matapos silang maghiwalay. Sa latest vlog nila ni Toni at Rob na magkasama sila, nanghingi ng tawad si Rob kay Toni at pati na rin sa pamilya nito dahil nadawit umano sa nasabing isyu. 

Matatandaang viral na viral ngayon sa online community ang isang sikat na influencer matapos ang viral na online na pag-serve ng warrant of arrest kay Tim Sawyer na naging mainit ngayon na usapan sa mga netizen.


Umugong ang usapan na ito matapos isa siya (ang nabanggit na influencer) sa mga nadatnan ng mga awtoridad nang pinasok ang bahay ni Tim Sawyer.

Mismo ang NBI ang nagtungo sa residence sa vlogger na si Tim Sawyer na may warrant of arrest for domestic violence. Wanted siya sa violation ng Republic Act 9262 o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Panoorin ang buong video dito!