Hindi isa, hindi rin dalawa, kundi 11 taon lang naman ang haba ng relasyon at pinagsamahan ng netizen na ito at kanyang boyfriend na nagtapos lamang matapos niyang matuklasan ang pagtataksil nito sa kanya.

Ang mas masakit pa rito, ang naging karelasyon o kabit umano ng natura nitong boyfriend ay isa niyang malapit na kaibigan at kumare pa na madalas ay kasama nilang dalawa.

Sa viral post na ibinahagi ng netizen na si Shakira, ibinuhos nito ang kanyang emosyon sa pinagdaanang panloloko sa kanya ng lalaki na inakala niyang mahal na mahal din siya. Dito, isang babala at payo ang ibinahagi ni Shakira sa mga netizen, --- ang huwag magtiwala ng husto kahit sa pinakamalapit mong kaibigan.

Ani pa nito,

“This is never easy! But seeing both my friend and my ex lover happy is satisfying…

“11 years is just a number. I know I may sound bitter for quite sometime. But look naman they're happy. So I will be happy for them too. 1 thing lang gid ang gusto ko ma hambal sa tanan total nag balandra naman gid sila. [1 thing lang talaga na gustong sabihin sa lahat total eh ipinaglalandakan na rin nila] 

“NEVER EVER TRUST BISAN ANG PINAKA CLOSEST FRIEND MO KAY MAY TENDENCY GID YA GYAPON NGA MAN OGON ANG RELASYON NYO. [Never ever trust kahit ang pinaka-closest friend mo kasi may tendency na siya rin ang aahas sa relasyon niyo]”

Sa 11 taon umano nilang relasyon, umabot pa raw sila sa puntong nag-ampon sila ng bata kahit hindi umano ito gaanong bukal sa kalooban ng lalaki. Ngunit, wala na rin umano itong kaso sa lalaki lalo na’t nasa puder at pangangalaga lang naman ni Shakira ang bata.



Sa katunayan umano, maliban sa pagiging malapit na magkaibigan ay naging ninang pa umano ng kanilang anak o ang inampon nilang bata ang babaeng kabit ng kanyang karelasyon. Madalas umano ay ito pa ang nagtutulak sa kanila na maging sweet sa mga larawan ngunit, wala man lang kaalam-alam si Shakira na nagtataksil na pala ang mga ito sa kanya.

Maliban dito ay nakatakda na rin sana silang ikasal dahil tapos nang mamanhikan sa kanila ang lalaki. Ngunit, nagulat na lamang siya isang araw na nakipaghiwalay ito sa kanya kahit wala naman silang pinag-awayan.

Noong una, todo tanggo pa raw ang lalaki tungkol sa kataksilan nito sa kanya. Ngunit, kahit buking na umano ang dalawa sa kasalanang ginawa ng mga ito, wala umanong kahit ‘sorry’ o paghingi ng tawad na narinig si Shakira mula sa mga ito.

Kung tutuusin, dapat lamang na humingi ang mga ito ng tawad sa kanya ngunit, lumalabas na nagiging matapang pa umano ang mga ito. Siya na nga umano ang dehado kaya hindi niya alam kung ano pang ipinaglalaban ng mga ito.


Mas nagpasakit pa umano sa damdamin ni Shakira ay ang katotohanan na alam umano ng ilan pa nitong mga kaibigan ang ginawang panloloko sa kanya ng kanyang karelasyon at babae nito ngunit, wala man lang naglakas loob na magsumbong sa kanya.

Sa ngayon, umani na ng mahigit sa 30,000 reaksyon ang Facebook post na ito ni Shakira kung saan karamihan sa mga komento ay galit sa ginawang panloloko sa kanya.

Source: facebook