Isa sa mga tinitingala ngayon sa telebisyon at maging sa mundo ng social media si AJ Raval. Kamakailan lang ay humakot ng samu't saring reaksyon ang kanyang inupload na video sa kanyang YouTube channel.

Sa kanyang recent vlog na "Jojowain o Totropahin," sinabi niya kung ano ang klase ng mga lalaki na kanyang type. Ayon sa kanya, hindi raw niya type ang mga conyo guys dahil kinalalakihan niya ang mga tipo ng kanyang ama at kuya na astig at pang masa.

Nabanggit niya ang mga pangalan  ng ilan sa mga sikat na aktor na sila Tony Labrusca, Marco Gumabao, Sam Concepcion, Diego Loyzaga, Ronnie Alonte at Jerome Ponce. Lahat ng mga nabanggit na pangalan ay para kay AJ, "totropahin" lang daw. 

Samantalang nasa "jojowain" list ni AJ ay sila ni Jameson Blake, Axel Torres, Donny Pangilinan at Joshua Garcia. 

Nang nabanggit ang pangalan ni Ronnie Alonte, inamin ni AJ na noong bandang 2016 ay nag cha-chat daw siya  gamit ang kanyang Instagram account bilang fan girl. 


Pero noong medyo napansin na siya ng mga tao at dumami na rin ang kanyang mga followers, agad na niyang bli-nock si Ronnie. 

Ipinaliwanag naman ni AJ kung bakit niya ginawa iyon. Ang ginawa niyang pag block ay isang act daw bilang pagbibigay ng respeto sa current girlfriend ni Ronnie na si Loisa Andalio. 

Sinabi ni AJ na kasama na sa kanyang memories ang kanyang pagka fan girl kay Ronnie Alonte at inamin din niya na puppy love lang daw iyon.

Si AJ Raval ay unang lumabas sa noontime show na, "It's Showtime" at magmula noon, lagi na siyang inaabangan ng mga madla. Marami na ring mga followers si AJ Raval sa kanyang mga social media accounts. 

Si AJ ay isang YouTube vlogger at may sobra sa kalahating milyong subscribers na siya sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nag viral ang kanyang video noon sa kanyang YouTube na "Carwash."

Pinainit noon ni AJ Raval matapos ang kanyang viral na viral na vlog na tungkol sa isang car wash. Pansin na pansin ang kanyang white sexy dress habang klarong klaro ang kanyang undies.

Sa kanyang vlog, makikitang nililinisan niya ang kanilang sasakyan na Ford habang suot ang kanyang napaka sexy na white dress.



Ibang video rin  ni AJ ang nag trending matapos ang kanyang nag viral na sexy outfit habang naglilinis ng kanilang bahay. 

Inamin naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval na hindi niya gusto ang ipinapakita ng kanyang anak sa social media. Ngunit, suportado pa rin niya ang kanyang anak dahil alam niyang dito sasaya si AJ. At bilang ama, siya ang nagsilbing gabay ng kanyang anak sa mga ginagawa nito. 

Source: dailyhotspot