Inanunsyo kamakailan lang ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations na ikakasal na ang dating beauty queen na si Sharifa Akeel kay Maguindanao 2nd District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu.

Ayon sa post ng kanilang official Facebook page, nakatakdang ikasal ang dalawa sa darating na ika-25 ng Agosto, Miyerkules, at gaganapin umano ito sa Alnor Convention Center sa Cotabato City. Saad pa nga sa naturang anunsyo,

“CONGRESSMAN AND BEAUTY QUEEN TO BE WED ON AUGUST 25

“LOOK | Congratulations and best wishes to Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel and Congressman Esmael "Toto" Mangudadatu!

“They will be wed on August 25 at the Alnor Convention Center in Cotabato City (Walima Celebration).”

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya, limitado lamang umano ang inimbitahan na dumalo sa pag-iisang dibdib na ito nina Akeel, 24, at Mangudadatu, 53.

Noong 2018, napanalunan ni Akeel ang titulong Mutya ng Pilipinas 2018 at nasungkit din nito ang korona sa international stage bilang Miss Asia Pacific International 2018. Dahil dito kaya umani ng maraming tagasuporta ang beauty queen na humihiling na sana ay sumali ito ulit sa iba pang mas malaking beauty pageants gaya ng Binibining Pilipinas.

Kontrobersyal naman ang naging relasyong ito ni Akeel sa Congressman matapos na dumulog noong Hunyo 2020 sa programa ni Raffy Tulfo ang asawa ni Mangudadatu na si Mylene upang ireklamo ang pakikipagrelasyon daw ni Akeel sa Congressman.

Ayon kay Mylene, taong 2019 umano nang unang magkaroon ng relasyon sa kanyang asawa si Akeel. Plano niya rin umano na magsampa ng kaso laban sa beauty queen.


Samantala, hindi naman nanatiling tahimik nang matagal si Akeel tungkol sa isyu at nagsalita rin matapos lamang ang ilang buwan. Dito, tinawag niyang desperada si Mylene na aniya ay naninira rito at nang-iimpluwensya pa umano ng mga tao para magalit sa kanya.

“To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all that you did… If you hate me, hate me alone. Don’t be out there lying about me trying to recruit people to hate me with you,” ang ani pa ni Akeel.

Dito ay binatikos din ng beauty queen ang paggamit umano ni Mylene sa relihiyon ng Islam. Hinamon niya ito na totohanin ang binabanta sa kanya na siya ay dadalhin sa korte dahil handa rin umano siyang lumaban dito. Saad pa nga ni Akeel,

“One more thing, NEVER EVER USE ISLAM RELIGION as part of your defense because I know that you are ignorant in it…


Again, if you are really brave enough, don’t do the fighting over social media. We have the right place and proper venue to do such.. You really want to see me behind bars then proceed to court and flaunt all your evidence, if there are. Express all your agony, hatred and false accusations in court. I will see you there!”

Sa kabila naman ng naturang kontrobersiya, nanatiling tahimik si Cong. Mangudadatu tungkol dito at hindi ito naglabas ng anumang opisyal na pahayag.

Source: bandera