Matapos ang rebelasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo tungkol sa kanilang relasyon, muli na namang naging usap-usapan ang tungkol sa pag unfollow umano ni Daniel Padilla at Dominique Roque sa isa't isa sa kani-kanilang mga social media accounts.

Sa Ogie Diaz Showbiz update, muling naungkat ang topic na ito na tungkol umano sa kontrobersyal na pag unfollow ni Daniel at  Dominic sa isa't isa. Ayon kay Mama Loi, may isang fan raw ang nagbigay ng malaking rebelasyon tungkol sa tunay na rason sa alitan nilang dalawa.

Ayon sa comment ng isang fan, ang alitan nilang dalawa ay may kinalaman umano sa kapatid ni Daniel na si Magui Ford. Kwento ng fan, nagkakamabutihan daw noon si Magui at Dominic, ngunit hanggang friend-zone na lang daw si Magui nang makilala ni Dominic si Bea.

Saad naman ni Ogie, for verification pa raw ang nasabing komento ng fan. Hindi sa minamaliit niya ang kapasidad at nakalap na impormasyon ng isang fan, ngunit mahirap lang talaga maniwala lalong lalo na kapag wala umano itong mga matitibay na patunay. 

Marami naman sa kanilang mga fans ang nais mabalik pa ang kanilang dating pinagsamahan at hiling ng lahat na magkabati na ang dalawa. Ayon pa ng iba pang mga sumusubaybay sa istorya, sayang daw ang kanilang pinagsamahan lalong lalo na't pareho pa naman ang kanilang circle of friends.

Matatandaan sa panayam noon ng 24 Oras kay Bea Alonzo, noong Agosto 9, nag open up ang aktres na 'cautious' daw umano siya sa pagbabahagi ng kanyang panibagong relasyon sa publiko.


“It just came out naturally. Alam ko na prior to the posting, marami nang haka-haka ang mga tao-tao (I know before I posted that there were already rumors going around)... It’s not like I was trying to hide it. I think I was just trying to be careful given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official (I wanted to make sure where the relationship is heading first before I made it official),” paliwanag ni Bea.

“Naiintindihan nila kung saan ako nanggaling, kung saan ako ngayon at saan ko gusto pumunta (They understand where I’m coming from, where I am now and where I plan to be in the future). I’m very appreciative sa mga (of the) reactions."

"I am happy na (that) everything’s so right, and everything is being celebrated,”

Even if they've made their relationship Instagram-official, Bea said she’d still prefer to keep it low-key. “Even sa past relationships ko, hindi naman ako super open about it. I think treasured moments ng relationship ay 'yung moments na hindi na-si-share sa social media. I want to keep it that way,” dagdag pa ng aktres.

Inamin naman noon ng aktres na nasa dating stage pa lang umano noon sina Dominic noong Abril at sinabi niya na wala pa sila sa isang exclusive relationship.

“I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody,” pahiwatig ng aktres.


Marami rin ang kinilig noong nakita silang dalawa sa isang West Coast trip. Naaktuhan ang dalawa na magkasama na nag-attend ng baby shower sa dating aktres na si Beth Tamayo, tita ni Dominic. 

Kasama rin ni Dominic si Bea na nagdiwang ng kanyang birthday at ibinahagi pa niya sa social media ang kanilang video sa kanyang Instagram.

Source: rappler