Naka-unfollow na umano sa isa’t-isa sa Instagram ang kilalang malapit na magkaibigang sina Daniel Padilla at Dominic Roque kaya mayroong mga spekulasyong lumalabas tungkol sa maaaring alitan umano ng dalawa.

Ito ang tinalakay ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz at ng kaibigan nitong si Mama Loi sa panibagong vlog na kitang inilabas. Dito, unang napansin ng dalawa ang namumuong closeness umano ng aktor na si Joshua Garcia sa barkadahan nina Daniel Padilla.

Base sa mga naging posts ng aktor, mukhang masayang-masaya ito sa mga bago niyng kaibigan na sina Daniel, Kathryn Bernardo, Ria Atayde, Patrick Sugui, Aeriel Garcia, Daniel Miranda, Sofia Andres, at iba pa na kasama nito sa mga pinakahuli niyang lakad.

Napansin dito nina Ogie na hindi nakasama ng grupo ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Daniel sa barkada mula pa man noon na si Dominic Roque.

Marahil ito umano ay dahil nasa Amerika ngayon ang huli kasama ang napapabalita nitong karelasyon na si Bea Alonzo. Ngunit, maaari rin umanong mayroon pang mas malalim na dahilan ang hindi pagsama ng aktor sa mga lakad ngayon ng grupo.

“Teka muna, Loi. Napansin mo ba. Eh diba dati kasama nila sa grupo si Dominic Roque? Ay hindi kasi nga, si Dominic kasama ni Bea sa US kaya siguro hindi nakasama,” ang ani pa nga ni Ogie.

Ayon kasi kay Mama Loi, naka-unfollow na raw ngayon ang dalawa sa isa’t-isa sa Instagram. Indikasyon umano ito marahil ng hidwaan ng dalawa o di kaya ay pagkakalayo ng loob. Ani pa nga nito,


“Pero, nay, may chika… na ano raw, parang may falling out din itong dalawang kaibigan na si DJ tsaka si Dominic Roque.”

Nagunit, mas nakapagtataka umano na kung kailan nagkaroon ng pagkakamabutihan sa pagitan nina Dominic at Bea ay nangyari rin ito sa magkaibigan. Kaya naman, spekulasyon ng dalawa, maaaring mayroon umanong kinalaman ang umano’y relasyon nina Bea at Dominic sa nangyayari ngayon kina Dominic at Daniel.

Gayunpaman, hindi kumpirmado ang anumang mga spekulasyon kaya malayang i-deny o umamin ang mga ito sa kung ano talaga ang nangyayari. Maging ang mga ito kasi ay hindi rin maintindihan kung ano ang konek ng mga pangyayaring ito sa mga kasalukuyang nangyayari.

“Nag unfollow sila sa isat’t-isa… Eh nabalitaan lang namin, pwede naman nila i-confirm or i-deny, na (ang rason daw ay dahil) tungkol dun sa relasyon ni Dominic Roque at Bea Alonzo…

“Gusto ko malaman sa kanila kung bakit sila nag unfollow-han nu’ng naging si Bea at tsaka si Dominic. Hindi ko gets,” ang ani pa nga ulit nina Ogie.

Gayunpaman, ano man umano ang katotohanan sa likod ng pag-uunfollow nina Daniel at Dominic sa isa’t-isa, sana umano ay magkaayos pa ang mga ito lalo na’t kilala ang dalawa na halos magkapatid na ang turing dahil sa kanilang mga naging karanasan na magkasama.



“Kung nag-unfollowhan man, baka naman nagpapahinga lang sila… Sana maibalik ‘yung dati. At, anyway, wala rin naman tayong naririnig mula kay Daniel at kay Dominic. Hindi naman sila nagpapalitan ng maaanghang na salita…

“Pero sana ay maibalik pa rin ‘yung dati nilang closeness,” dagdag ani pa ni Ogie tungkol sa isyu.

Source: kami