Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na isyu tungkol sa isang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu sa Beijing, China kaugnay ng alegasyong rape. 

Naka detain ngayon ang isang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu sa Beijing, China matapos siyang akusahan ng 19-anyos na estudyante na biktima ng rape dalawang taon na umano ang nakalipas. 

Ipinost sa social media ng mismong nagreklamo na biktima ang kanyang akusasyon noong nakaraang buwan.

Nagpaunlak ng panayam ang biktima sa isang Chinese online site at dito na ibinahagi ng biktima ang ginawang kasinungalingan sa kanya ni Kris. Noong 17 pa lamang siya, nagkita umano sila ni Kris sa pag aakala na bibigyan siya ng trabaho nito. 

Nang magkita sila ni Kris at ng biktima, may staff member umano si Kris na pinilit pinapainom ng alak ang biktima.

Dahil hindi siya sanay uminom, mabilis nalasing ang biktima at nagising na lang siya kinabukasan na nasa kama na siya ni Kris.

Buong akala ng babae noon na ang pangyayaring iyon ang simula ng relasyon nila ni Kris. Ngunit pagdating ng buwan ng Marso ngayong taon, hindi na nagparamdam si Kris.


Napag-alaman din ng biktima na hindi lang pala siya ang may naging masamang karanasan kay Kris. Matapos ang paglalahad ng biktima, may iba pang umapela at sinabing biktima rin sila ng umanong singer. 

Itinanggi naman ng singer ang lahat ng mga akusasyon na ito sa kanyang social media accounts. Sa katunayan, naglabas din ng official statement ang kampo ni Kris. 

Itinanggi ng kampo ng singer ang mga akusasyon na inilantad ng mga biktima nito sa kanya. 

ALLEGATION VS. KRIS WU

Ayon sa pahayag ng Beijing police, si Kris ay “criminally detained” dahil sa alegasyong rape “in response to relevant information reported on the internet,” kabilang na bintang na ang singer “repeatedly lured young women to have sexual relations.”


Si Kris ay unang sumikat noong maging miyembro siya ng isang all male K-Pop group na EXO na kinagigiliwan ng marami sa Pilipinas.

Ngunit, tumiwalag siya noong taong 2014 at pinili niya na maging solo artist. Nagtagumpay si Kris bilang solo singer, aktor at model.

Dahil sa umuugong na isyu sa social media, maraming ng mga luxury brands ang kumalas sa mga endorsement deals. 

Source: PEP