Maraming mga netizen ang hindi natuwa sa lumabas na balita na kamakailan lang na nagkatotoo ang dating nag trending noon na "third party" issue umano sa pagitan ng relasyon nila ni Devon Seron at Kiko Estrada.

Nitong mga araw lang, panay ang mga naglalabasang posts tungkol sa photo nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo na kumakalat online. Ito ay matapos kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa kani-kanilang mga Instagram posts.

Parehong si Kiko at Heaven ay nag post ng mga sweet photos nila na parang magkasama sila sa isang road trip.

Dulot ng mga kumakalat na sweet photos ng dalawa, masasabi ng lahat na tila umano'y "unbothered queen" ang dating girlfriend ni Kiko na si Devon Seron. Sa kanyang Instagram post, ginulat ang lahat sa kanyang "fierce photo."

Sa kanyang post, wala naman itong nakalagay na caption kaugnay umano sa nangyaring kumpirmasyon ng relationship ng kanyang dating boyfriend na si Kiko Estrada at bago nitong girlfriend na si Heaven Peralejo.

Nang ipost ni Devon ang kanyang "fierce in red" photo, hindi maiiwasan ng mga netizen na ikumpara sina Devon at Heaven.

Maraming mga fans ni Devon ang nagsabi na totoong maganda ang aktres. Simple lang at kahit morena, litaw na litaw pa rin ang kagandahan ng aktres. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

Umupo lang yan pero sobrang ganda. So beautiful ❤️ hndi nagbago since pbb days still the simple and mabait na Devon."


Mga ganitong beauty yong hindi nkakasawang tingnan. Pretty Devon super fan ninyo talaga ako ni James since PBB pa i hope someday magka work kayo ni James. 

She is so classy and well mannered. Saw her interview. Walang sinabing masamang salita tungkol dun sa dalawa. And ang focus niya is ang sarili niya."

You're blazing gurl. You didn't have to show him what he's lost and to show her who she's competed with. DEVON, you're unique and amazing. Don't let them hurt you!"

Maalala noon na itinanggi ni Heaven ang mga akusasyon sa kanya kaugnay sa naganap na hiwalayan ng kanyang co-star sa "Bagong Umaga" na si Kiko, na wala siya umanong kinalaman sa nangyaring breakup ng dalawa.

“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-stars working with each other.


“I should have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I did not and would never do.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup," pahiwatig ni Heaven tungkol sa isyu.

Source: kami