Matapos sumikat si Madam Inutz, ang isang online seller na naging instant vlogger dahil sa kanyang live selling na dinudumog ng maraming mga netizens ngunit wala namang nag ma-mine ng mga paninda nito, marami na ngayon ang nais makipag-collab kay Madam Inutz.

Ngunit, dahil nga may nagma-manage na kay Madam Inutz, kinakailangan muna na dadaan kila Momshie Wilbert kung may ganitong request ng mga collab videos.

Dahil sa mga kaganapang ito, marami tuloy ang nagbigay ng kanilang mga espekulasyon na sinasamantala lang umano ni Momshie Wilbert ang bagong nakuha nitong talent.

Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga tao, dinepensahan umano ito ng isa sa mga kilalang mga talent managers na si Ogie Diaz o mas kilala rin sa tawag na Mama Ogie.

“Feeling ko, hindi naman sinasamantala ni Wilbert si Madam Inutz dahil katunayan, weird ang pagma-manage ni Wilbert kasi hindi siya kumukuha ng komisyon bagkus binibigyan pa niyang pera si Madam Inutz,” pagdedepensa ni Ogie kay Momshie Wilbert sa kaniyang Showbiz Update channel.

“Kasi ang kasulatan nila ay tutulungan niya si Madam Inutz sa abot niyang makakaya sa career nito. Kahit anumang dumating na proyekto ay hindi siya ka-cut. ‘Yung komisyon niya ay ibibili na lamang ng gamot ng nanay niya at itutulong sa kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Ogie.

Ayon pa kay Mama Ogie, naintindihan niya umano ang pamamaraan ni Momshie Wilbert dahil alam niya bilang isa ring talent manager, ayaw niyang i-bypass siya ng kung sinuman ang nais mag-inquire o makikipag-collab sa kanyang alaga.

Ang balak rin ni Momshie Wilbert na ibalik si Madam Inutz sa kanyang pag o-online selling na kung saan siya unang sumikat at nakilala ng maraming mga tao.


Sa kabilang banda, nag viral din ang video ni Ethel Booba na kung saan kasama niya sina Boobsy Wonderland. Maraming mga netizen ang napatanong na kung ito ba ay patama nila kay Momshie Wilbert.

Sa video kasi ay makikitang hinahabol ni Boobsy si Ethel para magpa-picture ngunit pinagbawalan dahil wala raw silang appointment. Bukod pa rito, nabanggit rin ang ni Boobsy ang salitang “inutz”.

Sey naman ni Ethel sa Tiktok video, “Eh ano kung ayaw ng management? Hindi naman ako ganung tao, di naman ako katulad ng iba.”

Sa pagkakaalam ni Ogie, balak daw pumunta nila ni Ethel Booba sa bahay ni Madam Inutz at may mga dala pa itong mga regalo para ibigay umano sa ina ng social media star.

Ngunit, nabigo ang team ni Ethel Booba dahil hindi ito pinayagan ni Momshie Wilbert matapos pinaalam ni Madam Inutz ang tungkol dito.

Matatandaan na minsan nang nag-collab sina Ethel at Madam Inutz kasama si Donita Nose kung saan nag-inuman sila at pinakyaw ang mga binebentang ukay ng viral social media star.


Matatandaang ilang araw lang ang lumipas bago ang kanyang pag back-out sa Star Image Artist Management, nag viral muli si Madam Inutz dahil nag sign uli siya ng panibagong contract.

At sa pagkakataong ito, pinili niya ang Mr. Gay World Philippines titleholder, businessman, social media influencer at philantrophist na si Wilbert Tolentino.

“Thank you sir Wilbert Tolentino sa tiwala at supporta. pangako indi kta ibibigo at sa ating ka inutz!! samahan niyo ako sa aking panibagong yugto ng akin gunggong na buhay…” post ni Daisy Lopez sa kanyang Facebook account.

Source: bandera