Isang post na naman ang kamakailan lang ay nag viral sa Facebook matapos ibinahagi ng isang foreigner ang kanyang mga sakripisyo at pagmamahal sa isang Pilipina na umano'y nanloko sa kanya at ginamit pa ang halos lahat ng kanyang pera para lang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang nobya na nakilala niya sa isang online dating site.

Sa post na ibinahagi ng foreigner na nagngangalang Manuel Melena, nanghingi umano ng tulong ang nasabing foreigner sa programang Raffy Tulfo in Action para maibalik sa kanya ang lahat ng pera na ipinadala niya sa kanyang nobya.

Ayon kay Manuel, nakilala niya ang babaeng nagpatibok noon ng kanyang puso na si Rhea noong 2019. Nagtrabaho pa noon ang babae bilang domestic helper sa Jordan, Middle East at araw-araw palagi silang nagvi-video chat.

Kahit na umuwi na raw noon si Rhea sa Samal, Davao ay tuloy-tuloy pa rin daw ang kanilang komunikasyong dalawa. Sabi pa ni Manuel, nakausap pa niya mismo ang pamilya at ang mismong anak din ni Rhea na lalaki.

Noong May 2020, sinabi ni Rhea na pinalayas umano sila ng bahay na kanilang nirentahan. Dahil sa labis na pagmamahal ni Manuel, tinulungan niya si Rhea para makapagpatayo ng sariling bahay dahil nangako noon si Rhea na papakasalan niya si Manuel at umasa rin umano ang nasabing foreigner.

Ilang beses na rin na nagpadala ng pera si Manuel sa kanya para makabili si Rhea ng lupa na kung saan doon itatayo ang bahay. Humigit kumulang isang milyon na ang lahat ng kanyang naipadala kay Rhea.

Kahit marami ng narinig si Manuel tungkol sa panloloko ni Rhea, ayaw niyang maniwala at nagpatuloy pa rin siya sa pagpapadala ng pera sa kanyang minamahal. 

Labis na lang daw ang kanyang pagsisisi kung bakit hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng ilan sa mga kapitbahay at mga close friends ni Rhea tungkol sa panloloko nito.

Ayon sa kanyang post, noong buwan ng Disyembre ng 2019, magkasama umano si Rhea at ang kanyang Pinoy na boyfriend nang gabing iyon. Magkapitbahay pa nga raw ang dalawa. Ngunit, sabay pinagtakpan ng mga kamag-anak at pamilya ni Rhea na "childhood sweethearts" lang talaga ang dalawa.

Patuloy pa rin si Manuel sa pagpapadala ng pera kay Rhea kahit alam na niya na may ibang kalaguyo na ang kanyang nobya. Hindi niya alam na kasama pala si Porto, boyfriend umano ni Rhea sa pinagkakagastusan ng pera na pinapadala ni Manuel.


Nagpadala umano si Manuel ng pera para pambili ng aircon para sa bahay, scooter, wifi installation at ang jewelries na hiningi umano ni Rhea sa kanya.

Nang malapit na matapos ipagawa ang bahay, naging cold umano si Rhea kay Manuel. Palagi daw ang kanyang palusot ay walang signal o mahina ang kanyang internet connection. At sa mga panahong iyon, hindi pa rin naniwala si Manuel na niloko siya nito dahil nabulag siya sa matinding pag-ibig niya kay Rhea.

Matapos niyang makita ang photos ni Rhea at boyfriend nito, tumigil na siya sa pagpapadala ng pera. Noong una ay pinalampas pa ni Manuel ang nangyari dahil itinanggi ni Rhea ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya. 

Ayon kay Manuel, hindi alam ni Rhea na ibinenta na niya ang kanyang bahay at doon siya nanirahan sa kanyang kapatid ng dalawang araw at maging sa kanyang kaibigan. Minsan din daw ay nagre-renta na lang siya ng bahay para lang may maipapadalang pera kay Rhea sa Pilipinas

Kaya ngayon labis ang paghingi ni Manuel ng tulong sa programang RTIA dahil gusto niya na maibalik sa kanya ang bawat sentimo na kanyang naipadala kay Rhea.


Basahin ang buong post ni Manuel sa kanyang Facebook:

#raffytulfoinaction 

Please help me...i messaged RTIA last year in november.I hope you will help me have my complain reach sir Raffy Tulfo🙏

I met or should i say i've know this girl from a dating site filipino cupid in  around july 2019 and we started talking until she went home in Samal,Davao on november 2019...she was working as DH in Jordan,middle east...I fell inlove with her,we would videochat all the time when she was till in Jordan even when she  went home i talked to her family,her son and sometime in May 2020 she told me about being kick out by the house they are renting...i offered help if she will marry me,she said yes...so i started sending her money thru western union,moneygram and other money remittance apps(i have all the receipts) to buy a lot and build a house...too bad for me i didnt listen to her concerned neighbors and relatives telling what she is doing,her name is Rhea,she is 28 years old and has a son...i chose to believe her because i was blindly inlove,she would say they envy or jealous of her whenever i confronted her...i was too stupid to believe all her lies,i didnt know that in december 2019 she spent nights with her Filipino bf,they are neighbors(her relatives and friends said they are childhood sweethearts).I continued sending money for the house,her bills,her allowance and for their food,didnt know she spent some of my money to her bf Porto...she never admitted it,i bought aircon for the house,bought a scooter,wifi installation and jewelleries...when the house was almost done,she turned cold...she would say there is no signal,the connection so poor...relatives,friends continue to warn me but i was so inlove to her i didnt believe them,until i saw the photos of her and Porto laying down together...she denied at first,i stopped sending money after seeing that photos,pls help me mam🙏i am homeless now,i sold my house here in california to support her build the house in Samal,Davao,she didnt know about my house been sold because i dont want her to worry(i thought she love me)...I would stay at my sister's house for 2 days,to my friends house no longer than 2 days or sometimes i rent a room...i sent more than 1million pesos to rhea,please help me i want to get back every single cent...she fooled me and just used me so she can have a house and lot...now she locked her facebook account,looking forward to hear from you mam,please help me to sir Raffy Tulfo🙏

Source: facebook