Isang trending na trending na balita, ang kamakailan lang ay usap-usapan sa social media matapos pinost ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel ang panayam niya kay Jay Costura na tinaguriang Nostradamus sa social media dahil sa kanyang mga predictions at fortune-telling na talagang nagkakatotoo.

Sa naging panayam ni Aiko kay Jay, tinanong ni Aiko si Jay kung paano ba siya nagsimula bilang Nostradamus of the Philippines. Nabanggit ni Jay na bata pa lang daw siya ay napansin na niya na may kakaiba na sa kanya. 

"Bata pa lang ako at pagkakaalala ko, 6 years old ako nun, may kakaiba na sa akin. Naglalaro kami ng mga friends ko at mga kapatid ko, tapos ngayon nakikita ko na may sasali sa amin," sabi ni Jay. 

Noong napansin na daw ng kanyang mga kaibigan na may kakayahan siya makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao lang, doon nagsimula na iniwasan na si Jay ng kanyang mga kaibigan dahil natatakot sila nito. 

"I was being bullied talaga kasi naranasan kong katakutan, isipan na baliw ako. Kasi minsan nakikita ako sa school na nagsasalita ako mag-isa, 'kala ko kasi nun, normal lang," pahiwatig ni Jay.

Dumating sa punto na natanong ni Jay kung bakit siya pa ang binigyan ng ganung klaseng gift. Sinabi rin niya na ang pag ca-card reading niya ay hindi niya inaral at wala rin mismong nagturo sa kanya paano gawin iyon.

Ibinahagi rin ni Jay at ito ay alam ng kanyang mga kaibigan na muntik na siyang mabaril dati. Ito ay dahil raw sa isang sikreto na ni-reveal niya na minsan niyang sinabihan ang isang babae na kailangan obserbahan niya nang mabuti ang kanyang anak na babae dahil ito ay ginagalaw ng sarili niyang husband mismo.

Malalaman daw ni Jay na ang mga visions niya ay nagkakatotoo dahil mismo ang mga tao na nagpa vision sa kanya ay kusang bumabalik upang sabihin na nagkakatotoo talaga ang vision niya. 


Marami ring mga pagsubok ang pinagdaanan ni Jay noon dahil sinabihan na siya ng mga tao na ang mga visions niya ay galing sa demonyo. 

"Well, hindi natin mape-please ang karamihan sa atin. Basta alam mo sa sarili mo na, malakas yung pananampalataya mo sa Diyos at tsaka wala kang inaapakang tao at wala kang ginagamit…," paliwanag ni Jay. 

Sa puntong ito, tinanong na ni Aiko si Jay tungkol sa kung ano ang kanyang mga opinyon sa mga nagsusulputan na mga kagaya niya sa social media gaya nina Ed Caluag at Rudy Baldwin.

Ipinaliwanag ni Jay na minsan na silang nagkatrabaho  ni Ed Caluag sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Sinabi ni Jay na walang problema na kasama si Ed.

Sa pagdating naman kay Baldwin, hindi na raw makatotohanan para kay Jay ang ginawang pag post niya ng mga premonitions. 

"Ang masasabi ko doon sa nagte-trending ngayon...ako kasi I have a premonition sa dream ko. Ah yes, nagpo-post din ako. I posted a warning sign. Pero, napaka imposible na kasi na sa isang araw na magkakaroon ka ng sampung premonition," komento ni Jay kay Baldwin.

Matapos ang komento ni Jay, sumabak siya sa isang "Lie Detector challenge." Unang tanong, "Nagkakagusto ka pa ba sa babae?" Sagot ni Jay ay "no" at nagtunog ng lie ang lie detector machine. 


Inamin ni Jay na nagkaroon siya ng nobya noon ngunit hindi raw siya masaya.

Kasunod naman ay tinanong ni Aiko si Jay kung sino ang mas magaling sa kanila ni Rudy Baldwin. Agad naman sumagot si Jay na siya.

Minsan na rin daw nakapanayam ng Rated K si Jay noong 2019 at nagbigay siya ng babala na may papasok na sakit na dala ng hangin sa taong 2020. 

Apat na psychic sila ang inimbitahan ngunit siya lang mag-isa ang taliwas sa kanila. Sinabi niya na magiging magulo sa 2020.

Mensahe naman ni Jay sa kanyang mga bashers na labis siyang nagpapasalamat sa mga pamba-bash nila dahil mas lalo pa raw niyang ginagalingan ang pagbibigay niya ng kanyang mga premonitions, hindi para sa kanyang sarili kundi para makatulong.

"I have a gift and I have to share them," mensahe ni Jay sa kanyang mga bashers.

Panoorin ang buong video dito!