Matinding mga akusasyon ang isinampa ng isa sa mga sikat na vlogger na si Jose Jallorina laban kay Donnalyn Bartolome nitong Agosto 9, araw ng Lunes.

Ito ay matapos muling naungkat ang pinalabas umano na video ng nasabing vlogger na kung saan naka one-on-one interview niya si Nanay Josie, kapatid ng lola ni Donnalyn.

Sa kanyang YouTube video na may pamagat na ‘DONNALYN, BAKIT NAGING HOMELESS ULIT SI NANAY JOSIE?’ at dito na umano pinalabas ng vlogger ang kanyang hinanakit kay Donnalyn tungkol sa nangyari.

Sa kanyang panayam kay Nanay Josie, sinabi umano ng nanay ni Donnalyn na si Tonylyn na binigyan raw niya si Nanay Josie ng Php 20,000 para makahanap ng mauupahang bahay at makapagsimula ng negosyo.

Ngunit ayon sa video na pinalabas ni Jose sa kanyang Youtube, noong nakapanayam niya si Nanay Josie, sinabi mismo ng matanda na hindi totoong Php 20,000 ang ibinigay sa kanyang ng mommy ni Donnalyn, kundi Php 5,000 lang.

Sinabi ni Nanay Josie sa kanyang video na umabot din ng dalawang taon na nakatira umano siya sa bahay nila ni Donnalyn at mommy nito dahil lagi siyang hinahanap ng kapatid niya na mayroong malubhang sakit (nangyari ito bago pa pumanaw ang lola ni Donnalyn).

Pinaalis si nanay dahil papaupahan ng mommy ni Donnalyn umano ang bahay. Ngunit, akala niya na sa apartment siya patitirahin, iyon pala sa garahe lang ng bahay.

Sinabi ng mommy ni Donnalyn na matagal na raw niyang pinagawa ang kanyang bahay, ngunit nandoon pa rin si nanay Josie sa garahe kung saan siya namamalagi.


"Sabi ko maghintay ka lang...hindi ko pa lang mailabas ang gamit ko. Hintayin mo ang pag alis ko," sagot ni nanay Josie sa mommy ni Donnalyn.

Kaya nga  pinalayas si nanay ng mommy ni Donnalyn dahil mahilig raw si nanay sa mga kalakal. Sinabi naman ni nanay na ginawa lang niya yun para may magagamit pa siyang pampalit ng parts ng kanyang nasirang wheelchair.

Ayon sa pahayag sa mommy ni Donnalyn, binibigyan umano ni Donnalyn si nanay ng palihim, hindi lang niya ito sinasabi sa kanyang mommy.

Paglilinaw naman ni nanay, nang naging artista na raw si Donnalyn doon pa siya binibigyan. Binigyan lang daw siya ni Donnalyn ng Php 2,000 at yung huli raw ang binigyan din siya ng mommy ni Donnalyn ng Php 1,000 at sinabing itaya ito ni nanay sa lotto.

Ayon kay nanay, dalawang beses lang daw nag abot ng tulong si Donnalyn kay nanay. Nahiya rin humingi si nanay kaya naghihintay na lang siya na aabutan siya ng tulong.

Sinabi naman ni nanay na hindi siya natatakot na harapin ang mommy ni Donnalyn at si Donnalyn. Hindi rin siya papayag na ide-delete ang interview video niya kay Jose. Matapang niyang sinabi na handa siyang humarap sa husgado.


Sa loob ng anim na taon ay namamalimos umano si nanay. Noong taong 2012, dumiskarte lang daw siya kung paano siya makakain sa isang araw.

Dalawang bagay lang din naman ang hinihingi ni nanay sa pamilya ni Donnalyn, iyon ang bahay na matitirhan at pangkabuhayan.

Naglabas ng pahayag ang nanay ni Donnalyn Bartolome sa kaniyang Facebook live.

Ito ay matapos na naman silang idiin ng vlogger na si Jose Hallorina.

Binasaga na nga ni Tonylyn Mulawin, ina ni Donnalyn Bartolome ang kanyang pananahimik.

Ukol sa isyung kinasasangkutan ng anak dahil sa pagkawala ng lola nito na si Nanay Josie, na tinulungan umano ni Jose Hallorina.

"Ako po, kaya po ako nag-aano dito, nanay ako eh. Explain ko naman po yung side ng anak ko diba? Napaka-unfair naman po nun sa anak ko,” saad ni Tonylyn.

Marami namang mga netizen ang nagbigay ng kanilang komento. Naging kumon ang komento na "Let her soul rest in peace (Nanay Josie)"

Panoorin ang buong video dito!