Marami ang hindi mapigilang matawa sa nakaka-aliw na nangyari sa unang virtual meet and greet ng internet sensation na si “Kween” Yasmin Asistido kung saan, ito mismo ay hindi nakapasok sa ibinahagi niyang Zoom link dahil sa dami ng mga nauna sa kanya doon.

Sa Facebook, natatawang ibinahagi ni Yasmin ang nangyari habang isinasaad na gagawa na lamang umano ito ng bagong link para makapasok siya. Ang nangyari kasi, umabot na sa pinakamaraming participants ang mga nandoon sa Zoom link kaya hindi na makapasok pa si Yasmin.

Kaya naman, ayon sa viral sensation na vlogger na rin, dapat pala umano ay inunahan niya ang mga fans nito na pumasok sa Zoom link.

“Guys, sorry. Gawa ako new Zoom Link for meet and greet later. Kasi po ‘yung host, hindi po makapasok pati po ako. Haha dahil puno na raw, 100 participants lang kasi available. Dapat pala una akong pumasok sa zoom,” ani pa nga ni Yasmin.

Marami naman ang hindi mapigilang maaliw at matawa sa nangyaring ito na talaga namang hindi inaasahan. Sino ba naman ang mag-aakala na ang mismong nagpapa-meet and greet ang siyang hindi pa makapasok sa kanyang event.


Ani pa nga ng ilan na nag-aabang din sa virtual fan meet ni Yasmin ngunit hindi rin makapasok dahil sa dami na ng mga participants, nakakatawa umano na hindi lang pala sila ang nahirapan sa pagpasok dahil ang mismong iniidolo nila na gustong makita ay hindi rin makapasok.

“Until now hindi ako maka get over dun sa unang zoom link dahil puno na raw. Ako ‘yung guest hindi nakapasok hahaha,” dagdag ani pa nga ni Yasmin na hindi rin naiwasang matawa at maloka sa nangyari.

Sa dami ba naman kasi ng humahanga at gustong makita at makausap si Yasmin ay hindi rin nakapagtataka kung bakit paunahan ang mga ito na makapasok sa virtual meet and greet ng internet sensation.

Ito rin kasi ang kauna-unahang virtual fan meet na inorganisa para kay Yasmin kaya ganoon na lamang ang dami ng mga gusto at excited na ma-meet and greet ang viral star. Sa kabila ng nangyari, tagumpay naman ang meet and greet na ito ni Yasmin na talaga namang ikinatuwa at ipinagpasalamat nito.

Unang sumikat si Kween Yasmin dahil sa mga nakakatawa nitong posts, videos, song covers, at memes na ibinabahagi sa social media. Pinasok na rin nito ang pagv-vlog kung saan, sa kasalukuyan ay lagpas 100,000 na ang kanyang mga subscribers.

Samantala, heto ang ilan lamang sa mga nakakatawang reaksyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa nangyaring ito sa virtual meet and greet ni Yasmin:

“Sariling event ni Kween, di sya makapasok HAHAHAHAHAHA!”

“Iiyak na sana ako kaso pati ikaw pala di makapasok!”


“HAHAHAHAHAHA WAIT LANG TAWANG TAWA AKO! BA’T DI NIYO KASE PINAPASOK AHHAHAHA!”

“‘Yung ikaw ang may pa-meet and greet, tapos hindi ka makapasok! Inaabangan ko pa naman ito!”

“‘Pag zoom meeting kay Kween, ang bibilis niyo, pero kapag class meeting niyo, late kayo ng isang oras ah!”

Source: gmanetwork