Lalo pang dumarami ang mga isyu tungkol sa pangangaliwa o mga tinatawag nating “third party issue” na siyang akala natin noon, sa teleserye lang mangyayari, ‘yon pala ay maaari ring mangyari sa totoong buhay. Sa panahon ngayon, masasabi talaga natin na mas matapang pa at palaban talaga ang mga kabit.

Sa mismong vaccination site, nag viral ang video ng nasabing legal wife at ang mistress matapos silang gumawa ng eskandalo.

Sa viral na post sa Twitter na may username na @iamtix95, nangyari umano ang gulo sa isang vaccination center [undisclosed name of the vaccination site].

Ayon sa nag post ng video sa Twitter na saksi rin ng mismong pangyayari, sinabi raw ng mister ng legal wife na hindi niya masasamahan ang kanyang asawa sa vaccination. Kaya, nagpasama na lang ang nasabing legal wife sa kanyang kapatid na babae. 

Laking gulat na lang nilang dalawa ng nasabing legal wife at kapatid nito, na kaya pala hindi siya masamahan ng kanyang mister dahil kasama pala nito ang kabit niya sa parehong vaccination center din kung saan sila nagtungo.

Sa post nito sa Twitter, nilagay niya ang caption na, "Husband told his wife that he could not accompany her for vaccination. So his wife went with her sister. Lo and behold they saw the husband coming in with a girlfriend at the same vaccination center.”

Sa video, kitang kita ang nagliliyab na galit ng legal wife at ng kanyang kapatid habang kinompronta nila ang lalaki. Ngunit, gaya ng ng mga kabit ngayon, palaban din ang kabit ng kanyang mister. 

Nakuha pa nitong itapon ang mga upuan sa mismong direksyon kung saan nandoon ang nasabing legal wife ng kanyang kinakasamang lalaki. Nagulat din ang mga healthcare workers na nasaksihang pangyayari dahil hindi nila inakala na may ganoong pangyayari na magaganap sa loob mismo ng vaccination center. 


Inilarawan pa nga nila na para silang nanood ng isang Ultimate Fighting Championship (UFC) dahil hindi magpa paawat ang dalawang babae.

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa video ng dalawang babae sa isang vaccination site.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen na nakapanood ng video at nakakita umano ng nasabing post:

@marie rivera: bakit ang tapang ng mga kabit at cheaters? Saan galing tapang nila?

@Kristoffer Manalo: Tao din ysn, pag sasaktan mo lalaban yan. May rason din bakit nambabae mga lalake na may asawa. Minsan ayaw na nila sa inyo dahil talak kau ng talak. Dati nung nakilala kau mahinhin pa, ngayon binabastos mo na asawa mo. Kung gusto nung asawa mo, tatanggi ka. Syempre hahanap yan ng iba.


@miss trunchbull: the fact na pumatol sila sa may asawa, matindi talaga ang lakas ng loob at kapal ng mukha ng mga taong ganyan. Wag tayong magtaka kung bakit palaban sila.

@E C H O: Ang lakas din kase ng apog mag cheat. I mean why? One pussy is not enough?

Ang mga isyu gaya ng pangangabit ay hindi na bago sa ating mga pandinig. Maraming mga sitwasyong gaya nito na aktong nakita talaga ng kanilang mga misis o mga jowa ang kanilang mga partner na kasama ang umanong mga kabit nito.

Sa nangyaring eskandalo sa pagitan ng pag-aaway ng dalawa, nawa’y hindi na sana mauulit ang ganitong mga pangyayari lalong lalo na’t maraming tao ang kanilang nagambala dahil lang sa naganap na komprontahan tungkol sa pangangaliwa sa loob mismo ng vaccination center.

Source: whereinbacolod