Trending at kinagiliwan ng maraming mga netizen ang mga viral throwback video na ito ng aktor na si James Reid na ibinahagi ng kanyang ama kamakailan lang sa Instagram. Dito, mapapanood ang cute na cute na batang James na naglalaro habang naliligo.

“James and Lauren water sports Part 2. (I’m going to get in trouble for showing this),” ang makulit na caption pa nga ng kanyang amang si Malcom Reid sa naturang mga videos.

Sa video, makikita ang batang James kasama ang kanyang kapatid na si Lauren Reid habang naglalaro ang mga ito ng tubig. Sa unang video, makikitang kumaway pa nga rito si Lauren habang si James naman ay abala sa animo’y pagdidilig nito ng halaman.

Enjoy na enjoy ang dalawa sa paglalaro ng tubig sa hose habang sumasayaw at kumakanta pa ng “Rain Rain Go Away”.

Sa ikalawang video naman, kita kung gaano kakulit si James noong bata pa ito. Kita rin dito kung gano ka-close ang aktor sa kapatid niyang si Lauren kahit noong sila’y bata pa lamang. Masayang nagkukulitan ang mga ito habang naliligo suot ang kanilang cute na cute na mga swimming suit at trunks.


Tuwang-tuwa naman ang maraming mga netizens lalo na ang mga tagasuporta ni James na mapanood ang batang aktor na napakakulit. Gaya nga ng sabi ng tatay ni James, naiintriga rin daw ang mga ito kung ano umano ang magiging reaksyon ng aktor kapag nalaman nito na isinapubliko ng kanyang ama ang kakulitan nito noong siya ay bata pa.

“Ano kaya reactions ni James kapag nakita nya ‘to,” ang natatawa ngunit nagtatanong na komento pa nga ng isang netizen.

“Natawa ako sa caption ni daddy M… Daddy M, I think you are now in trouble,” dagdag saad pa ulit ng ilan pang mga netizen.

Heto nga ang ilan pang komento ng mga netizen dito:

“That’s part of being a naughty kid. Everyone of us has their own stories and we loved reminiscing those.”

“Ang cute mo bumbum haha!”

“They're so funny and cute together. They look like twins and they also seem like they get along really well.”

Bago ito, ilan pang mga throwback na video at larawan ni James Reid ang ibinahagi rin ng daddy nitong si Malcom. Minsan, nagbahagi ito rito ng isang nakakakilig na video ni James noon habang inaaral pa lamang ang pagtugtog ng gitara.

Hindi naman napigilan ng marami na kiligan sa batang James Reid at sinabing patunay lamang umano ang mga ito na noon pa man, bukod sa pagiging gwapo ay talented talaga ng aktor at singer.


Ilan pa sa mga throwback clips na ibinahagi ni Malcom ay mga memories ng batang James Reid noong nandoon pa ang mga ito sa Sydney, Australia, ang mga pagbisita nila noon sa Pilipinas, at ilang mga video habang nasa beach ang mga ito.

Kahit hiwalay na, isa pa rin sa mga ini-rerequest ng marami na ibahagi ni Malcom sa Instagram ay ang ilang mga clips at larawan naman umano ni James kasama si Nadine Lustre. 

Panoorin ang buong video dito!