Kamakailan lang ay nag trending noon ang isang mamahaling motor na nagkakahalaga ng tatlong milyon ng isa sa mga sikat na aktor na si Ion Perez. Ngayon naman, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa mamahaling sasakyan na ibinahagi ni Ion sa social media.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang mamahaling sasakyan. Sa kanyang post, isang kulay asul na kotse ang kanyang pinakita habang nakatayo siya sa harapan ng kotse.

Nakalagay sa kanyang caption, "Ranger Blue" habang ipini-flex ang kanyang magarang sasakyan.

Hindi nakaligtas si Ion sa mga komento ng ilang mga netizen. Ilan sa mga komento na hindi nagustuhan umano ng aktor ay ang pagsabi ng isang netizen na "katas ng bakla" at "ang katas ng katas ni ion, malayo talaga mararating mo kapag may kabayo ka."

Matatandaang hindi galing sa gaanong mayaman ang pamilya ang hunk celebrity na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Ion sa noontime show na "It's Showtime."

Una siyang nakilala nang maging escort siya sa isang segment ng programa na Ms. Q and A. Sa segment na ito, kasama niya si Jackie Gonzaga o kilala sa sikat na screen name na "Ate Girl" na kalaunan ay naging ka-love triangle ng isa sa mga host ng It's Showtime na si Vice Ganda.

Noong una ay biruan at pawang pagpapatawa at pagpapakilig lang ang pagiging sweet noon ni Ion at Vice Ganda sa isa't isa. Marami ang nag akala na baka para lang ito sa ikasasaya ng mga manonood ng nasabing show.

Marami ang tumangkilik noon sa tambalan nila ni Vice Ganda at Jackie na sumabay rin ang pagsikat ni Ion Perez. Nagulat na lang ang marami ng kinumpirma na ni Vice Ganda at Ion ang kanilang relasyon sa publiko.



Kasabay ng kanilang confirmed relationship ng unkabogable star na si Vice Ganda, kabi-kabila na rin ang natanggap ni Ion na mga endorsements at projects para sa gaganapin na pelikula.

Unang paglabas ni Ion sa isang pelikula ay ang pelikulang "Mang Kepweng" kung saan kasama niya si Vhong Navarro, malapit na kaibigan ni Vice Ganda.

Todo suporta naman ang kanyang kasintahan na si Vice Ganda sa mga kabi-kabilang mga projects na dumarating kay Ion. Ang huling proyekto na napabalitang magbibida si Ion sa isang sexy film na ginagawa nila ng sexy vlogger-actress na si Sunshine Guimary.

Minsan na rin naibalita noon na magkakaroon ang dalawa ng mga daring scenes kaya ganun na lang karami ang mga nag-aalala sa relasyon nila ni Ion at Vice Ganda.

Ngunit sinigurado naman ni Ion na si Vice lamang ang kanyang mamahalin. Samantala, sinabi naman ni Vice na sobrang proud sya kay Ion sa panibagong nakamit nito na proyekto at sinabi niya na nakuha ni Ion ang proyekto ng hindi ginagamit ang tulong niya.


Kaya ganun na lang ka intense ang mga komento ng mga netizen nang nakita ang post ni Ion sa kanyang Instagram na isang larawan ng isang magarang kotse.

Marami ang bumuo agad ng kanilang espekulasyon na ito ay bigay umano ng kanyang kasintahan na si Vice Ganda, ngunit marami rin naman ang nagsasabi na baka galing talaga ito sa sariling bulsa ni Ion dahil marami na rin siyang mga proyekto na natanggap. Kaya hindi imposible na makabili umano siya ng kanyang sariling sasakyan.