Simple ngunit masaya ang naging pagdiriwang ni Mona Alawi ng kanyang ika-17 kaarawan nito lamang ika-19 ng Agosto. Sa vlog ng kapatid nitong si Ivana Alawi, ibinahagi nila ang kanilang selebrasyon kasama silang pamilya.

Pagkukwento pa ni Ivana, ayaw daw talaga umano ni Mona ng malaking selebrasyon o kahit makatanggap lamang ng mga regalo dahil mas pipiliin daw nito na ipamahagi o itulong nalang sa iba ang perang magagastos nila.

Ngunit, dahil deserve umano ng kapatid niya na maipagdiwang ang kanyang kaarawan, nagkaroon pa rin sila ng selebrasyon at binigyan din nila ng regalo si Mona. Pagkukwento pa nga ni Ivana tungkol dito,

“Nag-prepare kami ng very, very simple celebration at isasama namin kayo kung saan nag-celebrate ang 17th birthday niya… Mag-se-celebrate na lang kami ng very simple at also guys, kinausap ako ni Mona last week. Sabi niya, ‘Ate huwag kang gagastos.’ Ayaw niyang gumastos. Mas gusto niya ipamigay ulit sa inyo kesa igastos namin… So we’ll just hold a simple celebration,

“Naghanda kami ng food and ng mga gifts niya. Ayaw din niya actually magpabili ng gift… Pero as a strong girl, dapat deserve niya talaga na mabalik man sa kanyang kaarawan ang konti sa mga pasaya niya sa akin at sa pamilya namin at sa pagpapasaya din sa inyo. Kasi alam niyo naman yun, prankster tapos matalino sa mga gadget. So she’s my baby girl and she will always be our baby girl.”


Maliban dito, naibahagi din nina Mona ang isang nakakatakot na pangyayari dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan. Naging emosyonal ang pamilya nang ikwento ng mga ito na nag-agaw buhay umano si Mona bago ang kanyang kaarawan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Mona ay mayroong type 1 diabetes na naging sanhi nga ng pagkakaospital nito kamakailan lang din. 

“Sobrang bumagsak 'yung blood sugar ko nun kasi sumobra 'yung nilagay kong insulin. Akala ko at that time inaantok lang ako so nagko-computer pa ako. Sabi ko, sige, hihiga na lang ako. 

“After noon, nagulat ako. Akala ko nananaginip ako kasi nakikita ko 'yung sarili ko tapos si mom nakayakap siya sa akin, pinipilit niya akong uminom ng sugar… Sabi ko parang ngayon lang ako nanaginip ng ganito, hinihintay ko na lang na magising ako. 

“Ilang minutes later, nalaglag ako sa kama kasi tina-try kong gumalaw pero kasi wala kong control sa body ko noon like yung buto ko, hindi ko talaga magalaw kahit daliri ko. Tina-try kong gumalaw pero wala akong control over my body,” pagbabahagi pa ni Mona.

Naiiyak naman si Ivana habang inaalala ang nangyaring ito sa kapatid. Emosyonal na saad pa nga nito,

“Nagulat ako sa kanya, sabi sa'kin ate ni-reject ako ni God, sabi ko hindi pwede hindi ka talaga kukunin!”


Kaya naman, pinakahiling ng pamilya ni Mona sa kanyang kaarawan na tuluyan na itong gumaling sa sakit. Ani pa nga ng ina nilang si Fatima, masakit para dito ang pinagdadaanan ng anak kaya dasal nito para sa kanyang bunsong si Mona ay total healing sa kanyang sakit.

Panoorin ang buong video dito!