Kumpirmado na nga na mayroong relasyon sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang ilang buwan ding spekulasyon ng publiko tungkol sa kanila.

Kamakailan lang, bago pa man ito opisyal na kinumpirma ng dalawa, ilang larawan na ng mga ito na magkasama ang kumalat lalo na noong nagbakasyon ang mga ito na magkasama sa Amerika. 

Ngunit, isa sa mga pinaka trending sa mga larawang ito ay ang isang selfie nina Dominic at Bea kung saan, nahagilap nito ang cellphone ng aktor at kitang mayroon itong katext. Dahil naman dito kaya hindi maiwasan ng marami na maintriga kung sino ang kapalitan ng mensahe at ano ang nakasulat sa mensahe na nandoon sa naturang cellphone ni Dominic.

Kaya naman, kanya-kanyang zoom at decipher agad ang mga netizen kung ano ang sinasabi sa naturang text. Ang ilan sa mga ito ay nagbabakasakali na baka mayroon umanong kinalaman sa relasyon nila ni bea ang laman ng naturang text message.

Kalaunan nga ay nabasa rin ng mga netizen kung ano ang naturang mensahe ngunit, lumalabas na wala naman pala itong kinalaman kay Bea. Ayon sa mga ito, ang nakasulat umano sa naturang text ay may kinalaman sa ‘laundry’ o paglalaba. 

Bagama’t hindi buo dahil mayroong mga parte ng mensahe na imposibleng mabasa, ito umano ang maaaring sinasabi sa naturang text sa cellphone ni Dominic:


"Okidoks ate:)”

"See you 8:30:)"

"____ at 8:30!"

"Ate can we go early and do laundry?"

"____ I would say yes for sure but here's the thing. We have a combo washer/dryer. ____ one machine lang sya that is both a washer and dryer. It's not like the one sa airbnb natin. One load will likely take time."

"____ extend kami dito ang sabi ko"

Natawa na lamang ang maraming mga netizen dahil sa pagiging natural na imbestigador ng marami sa mga mga ito. Ani pa nga ng ilan, basta’t may kinalaman sa tsismis ay wala raw talagang patawad ang mga ito sa social media.

Samantala, matapos ang kanilang kumpirmasyon ay nagbigay na rin sa wakas ng pahayag si Bea tungkol sa estado ngayon ng buhay pag-ibig kay Dominic. Sa isang panayam dito sa 24 Oras, ayon kay Bea ay hindi niya naman umano intensyon na itago ang kanilang relasyon sa publiko.

“It wasn't as if like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally…It's not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official… 

“We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness,” ani pa ni Bea.



Ayon sa aktres, bukod sa nag-iingat lang daw ito ay mayroon naman umanong mga bagay na hindi na dapat ibinabahagi sa social media. Hindi na rin umano ito bago sa kanya dahil kahit noon pa man umano ay hindi na siya ganoon kabukas sa kanyang buhay pag-ibig sa publiko. 

“I think most treasured moments ng relationship ay 'yung moments na 'di na-she-share sa social media. I want to keep it that way.,” dagdag saad pa ni Bea.

Source: facebook