Isa sa mga pinaka nag trending ngayon sa social media na tiyak pinaniniwalaan ng maraming mga tao ay ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin. Kilala siya sa kanyang mga 'premonitions' na talagang nagkakatotoo.

Ngunit sa kabila ng mga nagkakatotoo niyang mga premonitions, may ilang mga tao ang naghain ng kanilang mga reklamo matapos nalamang hindi pala totoo ang mga visions ni Rudy Baldwin sa kanyang mga kliyente.

Kwento ng isa sa mga complainants ni Rudy Baldwin sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) na si Solen Itaya,  humingi siya ng tulong kay Baldwin para malutas na ang problema at ang kaso noon ng nasawing lady driver na si Jang Lucero.

Maalala noon na naging usap-usapan sa buong Pilipinas ang nangyari kay Lucero noong 2020 dahil sa nahirapan ang mga awtoridad kung sinu-sino ang mga sangkot sa nangyari kay Jang Lucero.

Labis na naawa si Itaya, kung kaya't labis ang kanyang pagka desperada na humingi ng tulong sa isang kilalang psychic. At para na rin malaman ang totoong nangyari kay Jang.

“July, last year nakikita ko po diyan ‘yung tungkol kay Jang Lucero, sabi ko sa kanya ‘Madam, ikaw lang po ang may kakayanan dito, bakit hindi niyo po tignan, diba nakakakita kayo, nakakavision kayo, please pakisilip naman to para matulungan ko ‘yung magulang ng tao’

“Sagot niya sakin, ‘mahirap yang gusto mong mangyari kasi kailangan may hawak akong amount na pera’, ‘magkano ho ang minimum?’ sabi niya 10k (P10,000).

“Anong gagawin niyo don sa 10k? ‘Kasi pag pinasok ko ‘yung kabilang mundo paglabas ko sugat sugat ako’.


“Ako naman si t*nga, oo nga naman bakit niya kailangan ng pera sa kabilang mundo? Sige madam ako na ang sasagot sa 10k madam,” kwento ng complainant.

Ayon kay Itaya, nagbigay daw siya ng Php 10,000 para pambayad sa pagbibigay ni Rudy Baldwin ng kanyang nakikita sa totoong nangyari kay Jang Lucero.

Ngunit, kinabukasan daw ay nang makabalik na si Rudy Baldwin galing umano sa kabilang mundo, tumanggi umano si Baldwin na sabihin ang kanyang nakita.

“Nong tinatanong ko sa kanya kinabukasan, bini-vision daw niya. Tinanong ko kung ano ‘yung nangyari po doon, ang sagot niya sakin ‘hindi maganda, wag na natin pag usapan’.

 “Sabi ko ‘hindi nga madam?’ sagot niya ‘basta wag na natin pag usapan'”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Itaya ang totoong nangyari kay Jang Lucero at ang mga nakita ni Rudy Baldwin nang siya ay tila pumasok sa "kabilang mundo."

At dahil sa nangyaring isyu ay nais ni Itaya na magsampa ng kaso kay Rudy Baldwin dahil tila panloloko lang ang ginawa ng psychic sa kanya.


Sa ngayon, binaha ng mga pambabatikos si Rudy Baldwin ng mga netizen. 

Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen kay Rudy Baldwin:

@Raihanna Mahilum Danao

Jejeje maypamasahi papunta sa kabilang mundo...ok yan sir raffy piro money involved na tapos pina paniwala mo na di nman tutuo...saklap uo marami cyang accnt.

@Manuel Magno

Katarantaduhan, hinuhulaan Kita, challenge MANGHUHULA KA NGA??? SA MERON SA WALA, SA TOTOO SA MALI?? HULA NGA. MARAMING NAGPAPALOKO, ISANG HUWAD NA MANLOLOKO.

@Raymond Sol Cruise

"Mamang pulis pakihuli po si ganito kasi sya po ang pumatay kay Jang."

"Pano nyo nalaman?"

"Hinulaan po ni Rudy Baldwin"

不不不Comedy ampota! 不不不

Source: dailybncnews