Sa panahon ngayon, usong uso na ang mga isyu tungkol sa cheating at mga third party issue. Kaya sabi nga ng marami, swerte ka na lang kung ang iyong girlfriend o boyfriend o asawa ay hindi kasali sa grupong tinatawag nating mga cheaters. 

Sa kabila ng mga kumakalat na isyu tungkol sa mga breakups at cheating, may ilan pa rin na naging swerte sa kanilang mga  karelasyon na kahit talamak na ang mga usap-usapan tungkol sa mga naganap ng isyu na humantong sa hindi magandang relasyon.

Katulad na lamang sa isang post na kamakailan lang ay ibinahagi ng isang netizen ang mga screenshots na mga conversation nila ng kanyang boyfriend dahil sa hindi niya inakala na ganun pala ka masunurin ang kanyang nobyo.

Isang nakakakilig at nakakaantig na post ang nag viral ngayon sa social media matapos ibinahagi ng isang online game streamer ang kanyang napaka sweet na boyfriend sa publiko. Ito raw ay matapos hindi niya inakalang susundin talaga ng kanyang boyfriend ang kanyang ipapagawa.

Sa post ng conversation na ibinahagi ng isang page na nagngangalang “Jossa Gaming,” makikita na nag send umano ng isang picture ng crop top na damit ang boyfriend nito at sinabi pa kay Jossa  na bagay umano ito sa kanya. 

Agad naman sumagot si Jossa na hindi siya sure kung bagay ba ang damit na ito sa kanya, ngunit para makasiguro ay sinabihan niya ang kanyang boyfriend na isukat umano ang nasabing crop top outfit para malaman ni Jossa kung talagang bagay ba ito sa kanya.


Dahil nga pambabae ang isusukat na damit ng kanyang boyfriend, parang nagdadalawang isip ang kanyang boyfriend na isukat ang damit. Tinanong pa nga ng boyfriend ni Jossa na kung paano niya sasabihin na isusukat niya ang crop top na sinusuot umano ng mga babae.

Ngunit, panay pa rin ang pakiusap ni Jossa para lang isukat ng kanyang boyfriend ang crop top na gustong ibigay nito sa kanyang girlfriend. Hanggang sa pumayag na rin ang boyfriend ni Jossa at sinukat na nga ang kulay dark peach na crop top.

Matapos sinukat ng boyfriend ni Jossa ang damit, agad namang ipinadala ang litrato na kuha ng kanyang boyfriend na suot-suot ang damit na gusto niyang ibigay kay Jossa. Biniro pa ni Jossa ang kanyang boyfriend na mag send ng picture ulit dahil nakasimangot ito sa unang photo.

Dahil sa sobrang masunurin ng kanyang boyfriend, nag send na naman ito ulit ng isa pang litrato niya. Sa pagkakataong ito, hindi na nakasimangot ang boyfriend ni Jossa, kundi nakangiti na.

Maraming mga netizen ang natuwa sa ibinahagi ni Jossa sa page na “Jossa Gaming” at may iba na talagang nagsasabi na idol umano nila ang couple na ito dahil sa kanilang mga sweet gestures at pagpapakilig sa isa’t isa.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen na tiyak ipinapakita ang kanilang suporta sa couple:

Sana all love HAHAHAH pag pipilitin mokong magsuot ng pambabae sukatin mo muna ah HAHAHAH Para makita ko kung okay HAHAHA 빛빨간 iloveyouuu😘


Cute nyo po hehehe😊❤️ I'm a fan of yours po talaga🥺

naol sweet HAHAHA

unta ingon ani ka supportive hahaha

As of this writing, ang page na Jossa Gaming sa Facebook ay mayroon ng 636K followers. Maliban sa sikat na Mobile Legends na kinagigiliwan ngayon lalong lalo na sa mga kabataan, may iba ring mga games na nilalaro at ino-online stream si Jossa sa kanyang page.

Source: facebook