Tatlong araw lamang matapos ang pagpirma nito ng kontrata sa Star Image Management, biglaang bumitaw sa talent agency ang viral online seller na si Madam Inutz, o Daisy Cabantog sa totoong pangalan. 

Ayon kay Daisy, masyado umano itong nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon matapos ang biglaan nitong pagsikat bilang live online seller. Mayroon umano itong mga napagtanto matapos na komunsulta sa kanyang mga kamag-anak at matapos na masusing siniyasat ang pinirmahan nitong kontrata.

Isa nga sa mga napagtanto raw nito sa kanyang kontrata matapos na komunsulta sa abogado ay ang walang katapusan o expiry ng kontratang pinirmahan sa kabila ng apat na taon umano na kanilang napagkasunduan.

Samantala, naglabas na rin ng kanilang pahayag ang Star Image tungkol sa desiyong ito ni Daisy na bumitaw sa kanila. Ayon sa ahensya, hindi maipagkakaila na nalungkot daw sila sa naging desisyon ng online seller.

“Nalungkot ako. Nalungkot kami. Kasi despite of our efforts to [sic] reach her, to explain everything to her, --- lahat ng mga plans namin for her sana na mapag-uusapan pa nong pumunta kami, nagsign siya. Nalungkot talaga ako,” ani pa nga mga ito.

Dagdag ani pa ng nga ito, marahil ay mayroon lamang umanong mga tungkol sa kontrata na hindi naintindihan ni Daisy gaya na lamang ng sinabi nito na walang katapusan ang kontratang pinirmahan niya. Ani ng mga ito, naniniwala sila na maayos naman nilang naipaliwanag sa viral seller ang tungkol dito.

Gayunpaman, nirerespeto umano nila ang desiyong ito ni Daisy at mahal pa rin nila ito sa kabila ng nangyari. Naiintindihan daw nila na ginagawa lamang ito ni Daisy para sa kanyang pamilya at wala naman umano silang karapatan para humadlang sa mga plano at pangarap nito.

“Kung iniisip niya na mas makakabuti sa kanya ‘yung pagso-solo, which is ‘yung mga naririnig niya from everyone… or kung may humawak man sa kanya, if ever, na iba, we will respect her and we will still support her. 



“It’s painful for us kasi alam naming malinis ‘yung hangarin na main. Pero we need to move forward kasi we still have our other artists na naniniwala sa amin,” dagdag ani pa ng Star Image.

Sa panayam naman ni Ogie Diaz kay Daisy kamakailan lang, inamin nito na kasalanan niya rin daw dahil nagpadalos-dalos ito sa kanyang mga desisyon dahil nga sa mga biglaang pangyayari sa kanyang buhay na hindi maikakailang nagpasaya rito. 

Sa kabila umano ng desisyon niyang pag-alis sa Star Image, masaya naman umano ito na nakilala niya ang talent agency dahil ito raw ang mga unang nagbukas ng pinto sa kanya o unang nagbigay ng offer rito. 

Taliwas din sa mga sinasabi ng ilan, nilinaw ni Daisy na wala siyang anumang galit sa Star Image at malinaw din umano sa kanya na walang masamang intensyon ang ahensya sa kanya.


Ayon naman kay Ogie, hindi rin masisi si Daisy sa naging desiyon nito dahil nga na-overwhelm lang din ang online seller. Sana umano ay tuluyan nang magkaayos ang dalawang panig at huwag nang humantong sa parinigan o ano paman. Sana din umano ay matigil na rin ang mga pambabash o pambabatikos sa dalawang panig.

Panoorin ang buong video dito!