Maraming mga netizen ang nalungkot sa nag viral na video ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator. 

Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.

Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.

Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.

Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.

"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer. 

Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.

Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.

Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.

Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator. 

Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng wedding coordinator.


Basahin ang post ng videographer:

"Okay, Nagpakita pa ang coordinator sa Preparation then nawala rag kalit nya until sa church di na makontak, then paghuman sa ceremony diretso na sa Reception then pag abot namo sa Reception Venue (Unta) walay Venue kay Close and according to the person nga naa sa Venue, wala daw naka book nga event didto sa ilaha for reception. In short wala tanan, way Food, Way venue, way decor as in wala tanan. To make the story short gi Scam ang couple sa Coordinator and Fully Paid na daw tong wedding package. Kami suppliers, Make Up artist, Photo and Venue kay tabla pud. Wa pa man me ma bayri sa Coordinator. It's a Big Scam!"

Maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang sama ng loob sa nabalitaang post. Ika nila, hindi raw madali para sa isang bride at sa couple mismo na ganoon ang kinahinatnan ng kanilang sana'y pinakamasayang araw. 


Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Kalooy sad tawn oii sa gikasal...coordinator pakita tawn musamot imung sala...ky dili jud lalim imung gibuhat...grabeha ka salbahis nmu.."

[Kawawa naman yung kinasal...coordinator magpakita ka na po, mas lalala pa ang kasalanan ml kay hindi po madali ang ginawa niyo. Grabe, ang sama mo.]

"grabeha gud ka salbhis anang mga tawhana.wala jud malooy sa kinasal."

[Grabe, ang sasama ng mga taong iyan. Hindi na naawa sa ikinasal.]

"Ah grabiha anang taohana dili jd na sakto iya gbohat."

[Ah, grabe naman yang tao na yan. Hindi talaga tama ang ginawa niya.]

Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng mga pulisya ang nasabing wedding coordinator. May ilang mga netizen na rin na pinost na mismo ang photo ng nasabing scammer.

Panoorin ang buong video dito!