Usap-usapan ngayon ang aktres na si Heart Evangelista sa social media matapos pinakyaw ang mga binebentang sapatos ng kapwa rin niya aktres na si Ruffa Mae Quinto.

Sa bagong vlog ni Heart, ibinahagi niya ang pagkahilig niya sa sapatos at ibinahagi pa niya mismo ang kanyang shoes collection. 

Hindi pinagkaila ng aktres na mahilig talaga siya sa mga sapatos lalong lalo na sa mga mataas ang takong dahil gusto niyang magmukhang matangkad.

Naibahagi rin niya na nagandahan siya sa mga shoes collection ni Ruffa Mae Quinto. Kaya nang minsang ibenenta ni Ruffa ang kanyang mga sapatos, binili niya agad ang mga binentang sapatos nito. 

Marami sa mga sapatos ng aktres ay mataas ang takong at karamihan sa mga sapatos niya ay mula sa mga mamahaling brands.

Narito ang reaksyon ng ilang mga netizens:

"Heart really knows fashion. It is not about brands nor price, it is about passion that feels good; an expression of creativity and individuality. You simply can't buy class and taste! Heart has them naturally."


"Love how authentic you are about the stuff that you have. You are just so unapologetically you and it’s inspiring! I love Heart's fashion philosophy. It doesn't matter if you wear the same piece over and over again."

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. 

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. 

Maalalang, Isang post  ang pinagkakaguluhan noon ng mga netizens matapos ipinakita ng isang aktres ang kanyang kakaibang straw na ginamit niya sa pag inom ng coke softdrinks.

Isang photo ng aktres ang kanyang ibinahagi sa social media na umiinom ng coke sa kanyang Instagram post. Marami sa kanyang mga followers ang naagaw ang pansin sa ginamit na straw ng aktres. 

Ang umagaw sa pansin ng mga netizen ay ang ginamit nitong straw na tinagurian nilang “yayamanin straw” na kulay ginto na kasama ang caption sa kanyang post na “Keeping it cool.”


Inulan ng komento ang post ni Heart at may isang hindi natiis at pabiro niya talagang tinanong na kung saan nabibili ng aktres ang ganung klaseng straw.

Matatandaan din noong nag trending si Heart dahil sa kanyang outfit of the day (OOTD) na siyang kinagigiliwan ng mga netizen, ngunit aniya ng aktres, bibili lang pala siya ng corned beef. Maging ang kanyang mga outfits na suot papuntang supermarket ay kinagigiliwan din ng mga netizens.

Panoorin ang buong video dito!