Isang nakakalungkot na balita ang bumungad sa mga netizen matapos nagbigay ng rebelasyon ang isang anak ng batikang aktor na si Rez Cortez tungkol sa kanyang possible surgery sa sakit na liver c4nc3r.

Si Cai Cortez, anak ni Rez Cortez, tumanggap ng samu't saring suporta mula sa mga netizen matapos sinabi niya sa publiko na kinailangan sumailalim ng kanyang ama sa surgery noong September 1. 

“Hi po! Please help us pray for daddy’s successful surgery. Dad has suspected liver cancer and he will be undergoing surgery tomorrow to remove the mass.”

Kahit pa man sa malubhang kalagayan ng kanyang ama, malakas pa rin ang pananalig ni Cai na gagaling ang kanyang ama.

“I believe that daddy is strong and his love for his apos will help him recover in no time. But i also know that our prayers and well wishes can help speed things up. Thank you," aniya.

Marami rin sa mga kapwa nila celebrities ang nagparating ng kanilang mga panalangin sa batikang aktor gaya nila ni Kakai Bautista, Pancho Magno, at Thou Reyes, na mga co-stars ni Rez sa teleserye na "First Yaya."

Noong bago pa lang si Cai sa Showbiz, taong 2009, inamin ni Rez na siya ang biggest fan ng kanyang anak sa isang interview.

“I’m a stage father!” he enthusiastically told the media. “I’m excited for my daughter kasi alam kong gustong gusto niyang mag-artista. At alam kong she’s trained for this. Dahil galing nga siya sa UP Theatre Arts. Alam kong ready siya sa laban dito sa television and film. At nandoon lang ako, nakasuporta. Siyempre yun ang role ko," sabi ni Rez.



Ngunit, nitong mga araw lang, nalagpasan ng vete­ran na actor na si Rez Cortez ang operasyon sa kanyang atay. 

Si Res Septimo Cortez or mas kilala bilang si Rez Cortez. Si Rez ay isinilang noong January 4,1956 at sumikat na sa maraming mga pelikula. Siya ay hindi lang isang aktor, kundi isa ring assistant director. 

Kahanga-hanga ang devotion ni Rez sa kanyang trabaho na kahit kalalabas pa lamang sa ospital ay sumabak na agad sa trabaho. In fact, sa ginawang virtual gathering ng pinakabagong proyekto ng Mowelfund at Maris Pure Corp. — manufacturer ng Healthy & Pure Purified water.

Ang nasabing campaign ay naglalayong makapagtaguyod at makapag-provide ng sustainable solutions sa pamamagitan ng Social Welfare, Skills Development and Major Livelihood Programs para sa mga miyembro ng Mowelfund ngayong panahon ng pandemya.


Sa bawat 5-gallons, 350 ml, 500 ml, at 1 Liter ng Healthy and Pure Purified Water, may donasyong napupunta sa MOWELCARE programs. Malaking tulong ang donasyong malilikom para sa mga mga movie workers tulad ng cameramen, stuntmen,make-up artists na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

“For every glass of Healthy & Pure water that you drink, a movie worker is lifted with an opportunity.”

Source: hottesttrendzonline