Trending na trending ngayon sa social media ang isa sa mga sikat noon na batikang mga child stars, si Jiro Manio, matapos niyang ipinakita ang kanyang simpleng buhay sa publiko. 

Sa kanyang Facebook live, makikita dito na kumakain sila sabay-sabay ng kanyang pamilya habang nagbibigay ng shout-out sa kanyang mga viewers at fans.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Kain po tayo,” sabi ni Jiro sa kanyang Facebook live.

Nitong nakaraang dalawang linggo lang, nai-feature si Jiro sa pilot episode ng Star Image Digital Networks na "Take Two."

Sa pilot episode ng show, naibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay na malayo sa gulo ng Showbiz.

Tinanong si Jiro ng isa sa mga hosts ng show kung gusto niya pa bang bumalik sa dating buhay niya noon at sumabak ulit sa pag-arte.

"Kung bibigyan ka ulit ng pagkakataon umarte sa showbiz, handa ka na ba?” tanong ng isa sa mga hosts kay Jiro.

“Hindi ko muna masasagot 'yan kasi busy ako sa simpleng buhay ngayon... Marami ako nagtutulungan sa simpleng paraan. Saka plano ko pa rin makapag-aral.” 

Si Jiro Manio ay isang sikat na child actor na bumida na sa maraming mga  classic films kagaya ng "Magnifico" at "Anak." Nakatanggap din siya ng award na Gawad Urian Best Actor sa murang edad pa lang niya. 

Nagsimula siyang umarte sa edad na pitong taong gulang sa pelikulang "Pamana" noong 1999.


Maalalang, humarap sa kasong frustrated homicide ang dating aktor na si Jiro Manio matapos umanong manaksak sa Marikina City.

Papunta sa bahay ng kaibigan ang biktimang si Zeus Doctolero, 25, nang bigla siya umanong atakihin ni Manio, 27, sa may Barangay San Roque, ayon sa imbestigasyon ng Marikina police.

Bigla raw bumunot si Manio, na nagtatrabaho bilang helper sa isang kainan, ng kutsilyo saka sinaksak nang 3 beses ang biktima.

Isinugod sa ospital si Doctolero matapos magtamo ng mga saksak sa likod at ulo.

Pero ayon sa testigo na si Remi Perez, nakursunudahan lang umano si Manio. Aniya, paikot-ikot sa parkeng pinangyarihan ng insidente si Doctolero habang si Manio naman ay naglalakad lang din palapit sa grupo ni Perez na noo'y nag-eensayo.

Matatandaang, lumabas mula sa rehab si Jiro Manio noong taong 2017. 


Matatandaan rin, noong Hunyo 2015, nang makita si Jiro na pagala-gala sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa pamunuan ng center, nais na ng aktor na makasama ang kanyang pamilya sa Maynila.

Nangako 'di umano ang aktor na magbabagong buhay at iginiit na labas na ang aktres na si Ai Ai delas Alas, ang kanyang ina-inahan sa showbiz, sa kung anuman ang mangyayari sa kanya sa hinaharap. 

Si Ai Ai ang boluntaryong tumulong na maipasok si Jiro sa rehab matapos niyang malaman ang insidente sa airport.

Panoorin ang buong video dito!