Mainit init pa ang balita na kumakalat ngayon sa social media matapos tuluyan nang inunfollow ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa Instagram ang aktor at businessman na si Dominic Roque.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz na “Ogie Diaz Showbiz Update” sinabi nito na inunfollow na nga ni Momshie Karla ang dating kaibigan ng anak.

Agad naman itong pinabulaanan ni Ogie at sinabing may iba pang dahilan ang hindi pagkakasundo ng dalawa.

“Narinig ko lang ha. Parang may kinalaman nga ito sa Dominic Roque at Daniel Padilla gap. Dahil sa pagkakaalam ko Jegs, may nasabihan si Karla na isang tao na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ,” saad ni Ogie.

“Eh anyway, kung nanonood si Karla, mabuti nang linawin niya ang isyung ito, para na rin sa kapanatagan ng loob ng mga fans ni Daniel, kung sila man ay nagtatanong din kung bakit nagkasira ang friendship ni Dominic at ni Daniel. Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tagal na sila.

“Ako ha, nalulungkot ako Jegs kung sakali hindi na magkaayos sina Dominic at DJ, kasi sayang yung friendship. Jusko naman, ang hirap-hirap pa naman makatagpo ng tunay na kaibigan sa mga panahon ngayon,” pagpapatuloy ni Ogie.

Tanong naman ni Tita Jegs na maiintindihan naman umano ni Momshie Karla ang ginawa ni Dominic, ngunit bakit pa kailangan madamay pa si Bea sa isyung ito.

“According to my source, magkaibigan raw si Marjorie at Karla so baka daw may kinalaman doon,” sagot ni Ogie.


Sa ngayon, hindi pa matukoy talaga kung ano ang dahilan ng pag-unfollow ni Karla Estrada sa aktor na si Dominic Roque.

Maraming mga espekulasyon ang mga netizen sa nangyaring pag unfollow ni Karla Estrada kay Dominic. Hula ng iba, baka nga raw tungkol talaga ito sa isyu na kumalat noon tungkol sa isa pang anak ni Karla.

May iba rin naman na sinasabing baka hindi lang talaga naka-follow si Karla kay Dominic.

Matatandaan, matapos ang rebelasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo tungkol sa kanilang relasyon, muli na namang naging usap-usapan ang tungkol sa pag unfollow umano ni Daniel Padilla at Dominique Roque sa isa't isa sa kani-kanilang mga social media accounts.

Sa Ogie Diaz Showbiz update, muling naungkat ang topic na ito na tungkol umano sa kontrobersyal na pag unfollow ni Daniel at  Dominic sa isa't isa. Ayon kay Mama Loi, may isang fan raw ang nagbigay ng malaking rebelasyon tungkol sa tunay na rason sa alitan nilang dalawa.


Ayon sa comment ng isang fan, ang alitan nilang dalawa ay may kinalaman umano sa kapatid ni Daniel na si Magui Ford. Kwento ng fan, nagkakamabutihan daw noon si Magui at Dominic, ngunit hanggang friend-zone na lang daw si Magui nang makilala ni Dominic si Bea.

Saad naman ni Ogie, for verification pa raw ang nasabing komento ng fan. Hindi sa minamaliit niya ang kapasidad at nakalap na impormasyon ng isang fan, ngunit mahirap lang talaga maniwala lalong lalo na kapag wala umano itong mga matitibay na patunay.

Source: bandera