Sa isang Facebook live na ibinahagi sa isang Facebook page ng isang vlogger na si Virgelyn Cares 2.0, dito ibinahagi ni Mura ang kanyang karamdaman.

Sa nasabing Facebook live, nakuhanan nila ng video ang pagpapa check-up ni Mura at nakatakda itong ibahagi na rin sa kanilang YouTube channel.

Nilinaw naman ng vlogger na ang makukuha niyang kita sa video na kanyang i-upload ang siyang gagamitin para pagkuhanan sa pagpapagamot ni Mura.

Marami ang natuwa sa vlogger na si Virgelyn Cares dahil sa tulong at pagmamalasakit niya kay Mura, lalong lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Dahil sa ginawa ni Virgelyn, mas lalo pang dumami ang nanood sa video ni Mura at mas nalaman pa ng mga tao ang nakakaantig na kwento ni Mura.

Ayon kay Mura, pakiramdam niya ay may nakapulupot na parang ulap sa kanyang baga at nauubo din ito habang nagsasalita. Pinasalamatan din ni Mura ang doktor na sumuri sa kanya. 

Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. 

Nang unti-unting humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko na lalaki ang aktor na kilalang Mura ng lahat. 


Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison.

Matatandaan, nagkitang muli sila ni Mahal at Mura nang nag desisyon si Mahal at si Mygz Molino na puntahan ang isa sa mga maituturing na malapit na kaibigan ni Mahal.

Ngunit, naging masaklap ang kanilang pagkikita nang nabalitaan ni Mura na pumanaw na ang kanyang kaibigan na si Mahal, ilang araw lamang matapos silang nagkita.

Hindi umano siya naniwala noong una at inakalang fake news lang ang balita na pumanaw na ang kanyang kaibigan.

Nang malaman ni Mura ang sinapit ni Mahal o si Noemi Tesorero, hindi siya agad makapaniwala.

"Sabi ko maniwala kayo, diyan fake news lang 'yan, tapos nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya... nag-post ang kapatid na si Irene," ani Mura.


Maalala, nitong August 27 ang kahuli-hulihang vlog ni Mahal na kung saan pinakita niya ang mga behind-the-scenes sa kanyang appearance sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Ang mga scenes na ito ay kuha matapos niyang binisita ang kanyang co-comedian na si Mura.

Nag appear din ang pumanaw na aktres sa mismong Youtube channel ng modelo na si Mygz Molino nitong Agosto 29 lang ng taon. 

Panoorin ang buong video dito!