Kasabay ng paghihinagpis ng lahat sa pagpanaw ng isa mga mabubuti at sikat na actress-comedian na si Mahal, marami ang nagbigay ng kanilang mga pagsisisi sa nasabing rumored boyfriend ni Mahal sa biglaang pagpanaw ng aktres.

Ang rumored boyfriend ni Mahal na  si Mygz Molino ang patuloy na pinagbibintangan ng mga netizen sa pagkamatay ng nasabing komedyante. 

Ayon kasi sa ilang reports, ilang kamag-anak umano ni Mahal ay may sama ng loob sa Indie actor at modelo na si Mygz Molino.

Dahil ayon sa kanilang mga posts, hindi raw niya inalagaan nang maayos si Mahal. Dapat ay ipinagpaliban muna nila ang kanilang YouTube content at inuna muna ang kalagayan ni Mahal.

Sa kanilang YouTube content, matatandaang, isang linggo na ang nakalipas,  nag trending ang vlog ni Mygz kung saan dinalaw nila ni Mahal ang isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan na si Mura.

Kitang kita sa kanilang vlog na nagtungo sila ni Mygz at Mahal sa probinsya ng Albay sa Bicol Region para makausap at makita ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kaibigan.

Nang makita ito ng mga kamag-anak ni Mahal, agad nilang tinawagan si Mygz para ipagpaliban muna ang kanilang pag sho-shoot doon sa nasabing lugar.

Sinabihan nila si Mygz na itigil ang ginawang vlog dahil mas importante ang kondisyon ni Mahal kaysa sa video para sa kanilang YouTube content.

Dahil sa nakakamatay na virus, hindi raw ganoon kalakas ang resistensya ni Mahal. Kaya labis na nag-aalala ang mga kamag-anak ni Mahal na mabilis itong kakapitan ng virus.

May edad na rin ang komedyante at maliban pa nito, may mga underlying conditions na rin siya. Kung kaya, hindi ganoon na kalakas ang kanyang immune system.

Gayunpaman, ayon sa nasabing report, inabisuhan naman ni Mahal ang kanyang mga kaanak na safe sila sa lugar nila Mura.


Mababa lang umano ang positive cases sa probinsya at negative naman lahat ng kanilang mga results sa swab test bago pumunta sa lugar nila ni Mura.

Iginiit naman ng rumored boyfriend ni Mahal na kagustuhan din ni Mahal na puntahan ang dati niyang ka love-team na si Mura upang mabigyan ng tulong pinansyal at mapasaya niya umano kahit papaano.


Hindi naman inakala ni Mygz na mahahawaan si Mahal ng nakamamatay na sakit sa Albay dahil malayo sa kabihasnan ang nasabing lugar.

Ngunit huli na ang lahat ng makauwi sila sa bahay nila sa Batangas at mapansin na may sintomas na ng COVID-19 si Mahal.


Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng nasabing actress-comedian at marami pa rin ang naghihinagpis sa pagkawala ng isa sa mga sikat na komedyante sa bansa.