Nabigla ang halos lahat ng mga netizen sa biglaang pagkawala ng isa sa mga phenomenal na TikTokers na nagpasikat ng "uWu."

Si Namy Menang o mas kilala bilang si "uWu girl" ay pumanaw na dahil sa kanyang karamdaman na matagal na niyang dinadala.

Ayon sa mga ulat, matagal na may butas ang puso ni Namy na ilang taon na niyang iniinda ang karamdaman na ito.

Sa isang post ng netizen na si Romeo Gulla, ibinahagi niya sa social media ang pagkawala ni Namy Menang. Hindi niya inakala ang biglaang pagpanaw nito.

"Nakakabigla naman yung nalaman ko. Kasama lang kita kahapon. Rest in peace po Ms uWu girl. No more pain na. Salamat sa pagpapasaya samin," post ng isang  netizen. 

Ibinahagi pa niya ang mga screenshots ng conversation nila ni Ms. uWu girl sa kanyang social media account.

Tinanong umano ni Romeo kung kumusta ang pakiramdam ni Namy Menang, sinabi naman ni Namy na hindi siya okay.

Humingi ng paumanhin si Romeo dahil wala umano siyang tulong pinansyal na maibibigay kay Namy Menang. 

Sinabi naman ni Namy na hindi importante ang tulong pinansyal, mas importante sa kanya ang dasal sa mga oras na iyon. 

Marami sa mga netizen ang napasaya ni Namy Menang dahil sa kanyang phenomenal na "Uwu." Sa kanyang mga TikTok videos, marami siyang napangiti at napatawa.


Isa sa mga nag viral na videos niya ay ang pagkain niya ng pancit canton sabay sabi ng uWu.

Ayon sa mga reports, pumanaw siya dahil sa heart failure. 

Sa isa sa kanyang mga TikTok videos, ipinaliwanag niya doon na ginamit niya ang TikTok para hindi siya masyadong maging malungkot sa iniindang karamdaman.

Marami sa mga netizen ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pumanaw na si Namy Menang. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Kaya pala wala kanang bagong video na nalabas dahil wala kana🥺UWU!rest in peace po and condolence to your family."

"RIP. Condolence to the family."


"Totoo ba?baka fake news nanaman to..maawa kayo sa tao.."

"Aminado akong tumatayo balahibo ko kada UwU nya at daan nya sa tiktok feed ko pero can't deny na her line is nostalgic, pag ganyang line sya agad naiisip naten. Rest in peace namy🙏"

"RIP sobrang napasaya mo ako. Sa langit ka na lang mag UWU. Pag kumukulog sa langit iisipin ko UWU mo yun lods. cringy ka sa umpisa pero may certain charm videos mo na nakaka aliw at sarap ulit ulitin. Andami na gumaya sa UWU mo pero sayo pa din ang the best at tumatak. UWU will never be the same without you. Isang UWU naman dyan para sa bashers pakibulungan sila pag gabi."

Source: facebook