Mainit na mainit pa ang isyu tungkol sa isang isang sikat social media influencer na si Whamos Cruz matapos kumalat ang post umano ng mismong nanay ng bagong nobya ni Whamos na si Antonette na may kinalaman sa relasyon nilang dalawa.

Sa Facebook post ni Del Rosario Dolly Gail, nagpakilalang nanay ng girlfriend ni Whamos, nagpahayag siya ng kanyang pagkagalit at pagkadismaya sa kanyang anak na menor de edad. 

Nakasaad sa kanyang post, sinabi ng nanay ng girlfriend ni Whamos na magtatapos pa ng pag-aaral si Antonette at marami pa siyang pangarap para sa kanyang anak.

"Magtatapos kapa ng pag aaral, madami pa kami pangrap sayu..tulungan nyo kami mabalik sa totoong pamilya ni antonette Gail del Rosario  Alam mo yan mula nung maliit kapa kami.

"Ang nakasama mo! Wag mo sayangin Ang panahon,wag ka mag pauto sa mga taong ginagamit ka lang din..Hindi ako nag kulang sa inyo.. ginagawa ko lang Ang tama at dapat para sa inyo. Wag nyo baliwalaing magulang nyo padin ako..respeto pa din hinihingi ko," pahayag ng nanay ng girlfriend ni Whamos.

Nabanggit din niya na may pamilyang iniwan si Whamos at hindi man lang sinuportahan at pinaglaban ang kanyang anak para maiahon sa hirap. Kaya, hindi niya gusto si Whamos para sa kanyang anak.

Sa kanyang post, gusto niyang respetuhin umano siya ng kanyang anak at hindi siya balewalain bilang isang magulang. Payo rin ng kanyang ina sa kanyang anak, huwag magpa uto sa taong ginagamit lang din siya. 

Makikita sa post ng kanyang ina na galit ito sa kanyang dalawang anak dahil hindi umano ginagalang nito ang kanyang desisyon. 



"Ngayon ako magsasalita, Emma del Rosario at Antonette del Rosario. Asan ang suporta na gusto nyo manyari sakin? Di nyo ko binibigyan ng kahihiyan at respeto sa pamilya," ani ng nanay ni Antonette.

Basahin ang buong post ni Dolly Gail Del Rosario, nanay ni Antonette:

😑😑owwww e di wow na wow Kayu! Ngayun pamilya na pala Ang tatay na walang kwenta ni Hindi pinag laban Ang anak at pamilya para iahon sa hirap at supportahan..pamilya na pala tawag sa mga ganung ama.😑😑.tapos Yun Ang tatakbuhan nyo dahil umiiwas Kayu sa akin...Sige patuloy nyo kalukohan nyo at kasinungalingan nyo ....kung inisip nyo na pamilya ako tumatayu bilang nanay nyo Sana nirespeto nyo din ako ..kaso Hindi e .bastusan sa the way na Sana tinanung nyo muna ako kung ok ba na ipangalandakan nyo yang walamg kwenta tao sakin.😑😑

 Ako nag hirap Mula maliit Kayu! Ginapang at ginawang tao halos ako lahat nung maliit Kayu .tapos Banda huli Wala ako kwenta at Hindi nyo ginagalang desisyon ko. Ngayun nahiya Naman ako sa supportang gusto nyo mangyari..natakot pako na magkasanga sanga ung mga kwento pag mag reklamo ako ngayun Kayu pa gagawa ng ganyan...respeto nyo asaaan!!!😑😑😑 Hintayin nyo Ang mangyari sa inyo ..siraan gusto nyo db..pwes!!! 


Lalabanan ko Kayu..maputol lang yang sungay nyo!!!😑😑 Ngayun ako magsasalita...Emma del Rosario at antonette  Gail del Rosario... Asaan Ang supportang gusto nyo manyari sakin ..😑😑😑 di nyo ko binigyan ng kahihiyan at respeto sa pamilya...at sayu kin wamnos cruz...kelan mo balak iuwi sa pamilya nyang batang Bata at me or de edad Kong anak. 

Halos ayaw mo layuan anak ko nung nasa bahay ka ...masyado mo sinilaw sa material na bagay Ang anak ko .at ayaw mo halos mawala sa paningin mo Ang anak ko..Hindi mo binibigay obligasyon ko bilang ina ni tonet sayu ..kung matino ka lalaki Sana lang inayus mo yang pamilyang binuo mo at inanakan mo..panu ka magiging good example sakin ,?😑😑ganun din ba balak gawin mo sa anak ko,pag pinagsawaan iiwan😑😑 I'm sure mababasa nyo itong post ko mag ready na Kayu .😑😑😑

Kamakailan, ang internet celebrity na si Whamos Cruz ay naging isa sa mga kontrobersyal na social media personality matapos kinumpirma sa publiko ang kanilang relasyon ng isang sikat na influencer na si Antonette Gail Del Rosario.

Nag post si Whamos ng isang video na kung saan pinakita niya na silang dalawa na Antonette ay official couple na. Malaki rin ang naging preparasyon ni Whamos para sa kanyang proposal kay Antonette.

Maraming mga netizen ang ini-insulto ang physical appearance ni Whamos, ngunit ang mga pambabatikos na ito ay dinepensahan umano ng kanyang nobya.

Nakatanggap din ng hindi kanais-nais na mensahe si Whamos galing kay Cyril Fernandez, nagpakilalang kamag-anak ng dati niyang girlfriend. Hindi raw makatarungan ang kanyang ginawa dahil may responsibilidad pa siya sa anak nila ng ex-girlfriend niya.

Nag post ng photo si Whamos kasama ang kanyang ex-girlfriend at ang anak nila na si Sammy. Dito, ipinaliwanag ni Whamos na ginagawa pa rin niya ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak. Ngunit, umani ito ng mga negatibong komento.

Source: facebook