Viral ngayon sa TikTok ang video ng isang babaeng TikTokerist tungkol sa mga ibinunyag nitong gawain umano ng kanyang boyfriend na rider. Dito ay gigil na nagkwento ang babae tungkol sa naging pagbabago umano ng boyfriend matapos ang isang taon.

Sa kanyang video, ayon sa babae ay alam na alam umano nito ang pakiramdam ng pagkakaroon ng rider o mahilig sa motor na boyfriend dahil naranasan niya ito mismo. 

Pagkukwento nito, noong una umano ay ito pa raw ang nag-aaya sa kanya na sunduin siya pagkatapos ng klase. Sa unang tatlong buwan, madalas raw ay sinusundo siya nito sa tuwing gagabihin siya ng uwi para raw mas ligtas ito. 

“Based talaga sa experience ko ito dahil nagka-boyfriend na ako ng rider… 

“Sa dating stage, up to first to third month of being a romantic couple, yung scenario ay ganito: ‘Saan ka? Susunduin kita,’ or ‘kung tapos na ang class mo, susunduin na kita,’ or ‘gabi na, susunduin na kita dyan para ihatid sa inyo para safe kang makauwi,” pagbabahagi pa nito.


Ngunit, nagbago raw lahat ng ito matapos ang isang taon nila na pagiging magkarelasyon. Dito ay gigil na ikinwento ng babae kung paanong ang dami na raw rason na sinasabi ng kanyang boyfriend sa tuwing nagpapasundo siya rito.

Madalas na dahilan daw nito ay sira ang motor o di kaya ay walang gas. Ibang-iba ito mula sa kung paano siya nito suyuin noong unang mga buwan nila bilang magkasintahan. Saad pa nga nito,

“After a year na pagiging mag-nobyo, ako na naman yung magsasabi ng mga bagay na ito: ‘Mahal, tapos na yung class ko, sunduin mo naman ako.

“Ang siste, yung sasabihin ganito: ‘Mahal, masyadong mainit, baka iitim ako,’ or 'wala akong gas, mahal,’ or ‘flat yung motorsiklo,’ or ‘ginamit ni papa yung motorsiklo,’ or ‘sira yung motorsiklo.”

Ngunit, mas lalo pang nanggigil ang babae nang ibahagi naman nito ang tungkol sa pagkakaroon umano ng maraming oras ng nobyo nito sa pagra-rides. Wala umano itong oras na sunduin siya ngunit, kapag mayroong rides ay kung saan saan naman umano ito napupunta.

Ang mas nakakagalit pa umano rito ay sa kanya pa minsan humihingi ng pang-gas. Kaya naman, hindi nito maiwasan na dumaing o magreklamo sa gawaing ito ng boyfriend na rider. Ani niya pa nga,

“Pero pag mayroong ‘rides,’ kahit saan makarating, sa akin pa hihingi ng pang-gas… 

“Pero pag ako, susunduin lang sa school, marami ka pang dahilan. Pero noong bago pa lang tayo, magi-insist ka na ikaw yung susundo para safe akong makauwi para hindi ka na mag-aalala. Pagkatapos nang maging matagal na tayo, okay lang? Okay lang may mangyari sa akin? Okay lang? Umayos ka nga.”


Bentang-benta naman sa mga netizen ang TikTok video na ito na agad din nagging viral. Marami sa mga ito ang nakaka-relate din umano sa pinagdaanan ng babae at sumang-ayon dito na mabuti lang daw talaga sa simula ang mga lalaki.

Mayroon din namang iba na sumalungat sa pahayag ng babae at sinabing baka naman umano masyado lang itong nakadepende sa nobyo kaya ganoon ang naramdaman nito.

Samantala, sa ngayon ay umabot na sa mahigit isang milyong views lang naman ang naani ng naturang video at reactions na nasa halos 200,000 na ang bilang.

Source: KAMI