Nitong Linggo, ika-19 ng Setyembre, trending at pinag-usapan ng marami ang episode ng noontime variety show na ASAP dahil sa pagiging guest dito ng nag-iisang idol Raffy Tulfo! Tinutukan at trending topic agad sa social media ang guesting niyang ito na hindi inasahan ng marami.

Hindi lamang basta guesting ang ginawa rito ni Tulfo dahil nagperform din ang batikang host ng isang awitin kasama sina Zsa Zsa Padilla at Nina. Kinanta ng mga ito ang hit song ni Rey Valera na “Kung Kailangan Mo Ako”.

Ngunit, kagaya ng mga manonood, maging si Tulfo mismo ay hindi rin daw makapaniwala na nasa ASAP ito para magperform. Ani nito, dati raw kasi ay napapanood niya lamang din ang mga kagaya nina Zsa Zsa sa ASAP.

“Dati-rati kasi, pinapanood ko lang kayo. Ngayon, nandito na ako. Parang hindi kapani-paniwala,” ang ani niya pa.

Sa maikiling panayam dito ng mga host na sina Zsa Zsa at Garry Valenciano matapos ang kanyang performance, maikli ngunit makahulugan ang mensahe na ibinahagi rito ni Tulfo na talaga namang tumatak sa mga manonood. Saad niya rito,

“Mga Kapatid, nandito na ako sa Kapamilya... Magsama-sama na tayo para lalong lumakas ang ating pwersa.”

Sa social media, agad na naglabas ng kani-kanilang opinyon ang mga netizen matapos mapanood si Tulfo na magperform sa ASAP. Marami sa mga ito ang nagulat ngunit natuwa rin na mapanood ang kilalang host ng “Raffy Tulfo in Action” na kumanta.

Inakala naman ng ilan na isang episode na naman ng programa ni Tulfo ang trending. Ngunit, nagulat ang mga ito na iba pala ang dahilan ng pagigng trending nito ngayon. 


Ani ng ilan sa mga netizen, magaling umanong kumanta ang host at nag-enjoy naman sila sa performance nito. Ibang level na nga raw ang tinaguriang “Idol ng Bayan” dahil dito. Mayroon ding iba na napansing mukhang mahiyain o nahiya umano sa ASAP stage si Tulfo. 

Ngunit, hindi rin maiwasan na mayroong mga netizens na binahiran ng kontrobersiya ang paglabas na ito ni Tulfo sa naturang variety show. Hindi agad makapaniwala ang ilan sa mga ito na napanood nga nila si Tulfo sa ASAP.

Gayunpaman, lamang pa rin naman ang mga tagasuporta ni Tulfo na natuwa sa kanilang napanood lalong lalo na sa mensahe na ibinahagi ng host. Gustong gusto raw ng mga ito ang taos-pusong sinabi ni Tulfo na magkaisa ang Kapamilya at Kapatid Network.

Samantala, heto ang ilan pa sa mga reaksyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa guesting ni Tulfo sa ASAP:

“I was stunned for a moment. Raffy Tulfo sings on the Asap Stage!! Cute!”

“Shocked at Raffy Tulfo appearing on ASAP? Well you will see him not just on ASAP but everywhere soon.”


“Raffy Tulfo, nasa ASAP na. Si Kapatid ay Kapamilya na… Kala ko may nagsumbong sa ASAP at nagpa-Tulfo!”

“Kaya idol kita, idol Raffy Tulfo, dahil napaka versatile mo!”

“That was an humblE performance, sir idol Raffy Tulfo. You’re very generous. Compliment on your work… so amazing! Keep safe always and good health!

“Basta idol, the best talaga! Ang galing po. Maganda ang boses ni idol Raffy Tulfo.”

Panoorin ang buong video dito!