Nagluluksa ngayon ang mga taga-suporta at napasaya ng vlogger na si Charles Nelson Perez, o mas kilala bilang si Budo. Kilala ang vlogger at siklista na mula sa Gingoog City na nagpapasaya ng marami sa pamamagitan ng kanyang mga vlogs. 

Nasangkot kamakailan si Perez sa isang aksidente habang nagbi-bisekleta. Pauwi na umano sana ito nang maaksidente sa may Minalwang sa Misamis Oriental. Ibinahagi mismo ng kapatid ni Perez ang nangyaring ito sa kanyang aksidente.

Isinugod agad sa ospital ang vlogger ngunit unconscious pa rin umano ito. Ayon din sa kanyang kapatid, dadalhin umano ang vlogger sa CDO o Cagayan de Oro at sasailalim umano sa operasyon. Dahil sa nangyari, humingi ang mga ito ng tulong pinansyal at dasal para sa paggaling ni Perez.

Agad din naman na nagpaabot ng kanilang tulong at dasal ang maraming mga kakilala, kaibigan, at tagsuporta ni Perz na ikinagulat ang nangyari ritong aksidente.

Ngunit, hindi na nga nakayanan pa ng vlogger ang nangyari rito at tuluyan na itong pumanaw. Tuluyan nang namaalam ang tinaguriang “Mr Panahon” ng Gingoog City.

Hindi agad makapaniwala ang marami sa kanyang mag tagasuporta na wala na ang masiglang vlogger na nagpapasaya at palaging bumabati sa kanila. Bago pumanaw, nakapagbahagi pa nga si Perez ng isang Facebook post noong ika-4 ng Setyembre kung saan, makikita rito ang mga kuhang larawan ng vlogger habang nagbibisikleta.


Gayunpaman, agad na ipinaabot ng mga tagasuporta nito ang kanilang pakikiramay para sa mga naiwang mahal sa buhay ni Perez. Hindi mapigilan ng mga ito na maging emosyonal para sa malungkot na balitang ito.

Ani ng kanyang mga tagasuporta at mga kapwa siklista, hindi raw nila malilimutan ang saya na ibinahagi sa kanila ni Perez lalo na sa kanyang pagv-vlog at pagbibisikleta. Hindi man umano lahat ay naiintindihan siya, mas marami sila na napasaya at natutuwa rito.

Inihayag din nila ang kanilang pasasalamat para sa mga panahon na nagbahagi sa kanila ng saya si Perez. Dasal ngayon ng mga ito ang kapayapaan para sa vlogger at paghilom para sa mga naiwan nitong mga mahal sa buhay.

Hindi man kasingsikat si Perez ng ibang mga naglalakihang vlogger sa Pilipinas, hindi rin naman umano matatawaran ang totoong saya at inspirasyon na naibahagi nito sa publiko lalo na sa mga nakapanood ng kanyang mga vlogs. Biglaan man at hindi halos makapaniwala, nagpapasamalat ang mga ito na nakilala nila kahit paano si Perez sa kanyang mga vlogs na talaga namang naghahatid ng good vibes.

Samantala, heto nga ang ilan sa mga ibinahaging Facebook post ng mga tagasuporta ni Perez tungkol sa biglaan at nakakalungkot nitong pagpanaw:

“Salamat sa panahon, Do… Salamat sa iyong mga vlog na nagpasaya sa amin. Labis kaming nasasaktan sa maaga mong pagkawala… Thank you for a life well lived, Do. Salamat sa inspirasyon. You will always be remembered, Do.”


“RIP idol. Mamimiss namin ang mga vlogs mo. Rest in paradise, idol.”

“Thanks man for the happiness and laughter you have brought us. Rest in Peace.”

“RIP… Marami kang napasaya sa mga vlog mo at isa na ako sa mga nakka-appreciate nun.”

“Ride free, Budo. Salamat sa mga panahon. You will always be remembered.”

Source: facebook