Sa kabila ng isyung kinasasangkutan ng aktres na si Yen Santos, muli na namang naungkat ang isyu tungkol sa usap-usapan noon na may anak daw si Yen Santos sa isang politiko. 

Ito ang matagal na chika noon na hanggang ngayon ay wala pang nakitang kasagutan. 

Sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube na in-upload nitong Biyernes ng gabi kasama si Tita Jegs ay napag-usapan nila ang tungkol sa isyung ito.

“Actually, nakarating sa akin ‘yan na si Yen Santos na may anak na at itinago lang daw. The truth is wala pong anak si Yen,” pagkumpirma ni Ogie.

Dagdag pa, “’yan ang alam ko ha, walang anak si Yen at ‘yung itinuturo nilang anak ni Yen ay kapatid ni Yen na inanak sa binyag ng isang politician. Kaya doon (nagsimula) ang usap-usapan na anak iyon ni Yen.

“Kasi si Yen kung nagbuntis malamang Jegs may picture na kumalat, ang dami pa namang Marites at Mosang (bagong tawag sa tsismosa) di ba? Wala naman tayong nakitang lumalakad si Yen buntis?

“Meron ka na bang nabalitaang ganun (tanong kay tita Jegs) na buntis pero wala namang picture?

Kaagad namang sinagot si Ogie ni Tita Jegs ng, “Meron, meron” at sabay bulong sa una na ikinatawa nito.

“Naku, hintayin na lang natin sa kanila manggaling huwag sa atin,” sambit ni Ogie.

Hindi naman binanggit ni Ogie kung sino at ano ang binulong ni Tita Jegs dahil tila iniba niya agad ang topic.


Lilieyen Santos ang tunay na pangalan ng aktres na kilala ng marami bilang Yen Santos. Unang nakilala sa publiko nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Nitong mga araw lang, matapos kumalat ang isyu tungkol sa pagkakadawit ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nila ni Paolo Contis at LJ Reyes, feeling "so down" daw ngayon si Yen Santos.

Ayon sa ulat ng PEP, nakausap nila ang malapit na kaibigan ni Yen Santos, kung saan naitanong nila kung magbibigay na ba ng pahayag ang aktres tungkol sa mga ibinabato sa kanya. 

Bukod sa kasalukuyang isyu na kinasasangkutan ng aktres, marami pa raw ang kumalat na intriga tungkol kay Yen, ngunit kahit isa wala naman umanong ebidensya.

Kamakailan lang ay isa sa mga nag trending sa social media ay ang hiwalayang LJ at Paolo. Maraming mga netizen ang hindi makapaniwala dahil sa umano'y maraming mga sweet posts at moments ang dalawa na nagpaantig sa puso ng bawat netizen.

Kinumpirma nga ni LJ Reyes sa interview nito kay Boy Abunda ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis at ang biglaang pag-alis nila ng bansa, “We left because I felt that I really need to get myself and my kids out of the situation physically. 


"Para kahit papano matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family," dagdag pa ni LJ.

Ngunit, nitong mga araw lamang, naaktuhan si Paolo na may kasamang ibang babae. Gayunpaman, hindi matukoy kung sino ang babae na kasama nito dahil nakatalikod ang dalawa sa kuhang litrato.

Matatandaan pa ngang nagkasama sa pelikulang “A Faraway Island” sina Paolo Contis at Yen Santos kung saan kinunan sa Faroe Islands ang pelikula na siyang bahagi ng Europe.

Maalalang, binasag na ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.

Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

Source: bandera