Matapos nadawit ang pangalan ni AJ Raval sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica, may nahalungkat ang mga netizen tungkol umano sa past ni AJ Raval.

Si AJ ay ang umano bagong girlfriend ngayon ni Aljur at napagbibintangang third party sa hiwalayan ng mag-asawa.

Ngunit, ang mga akusasyon na ito ay ilang beses na itinanggi ng dalaga at maging ni Kylie na hindi umano young actress ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa kabilang banda, tila hindi na natigil ang paghalungkat sa background ng anak ni Jeric Raval.

Sa isang Facebook page, makikita ang larawan ni Aj Raval at ang dating non showbiz boyfriend ng dalaga. 

Ayon sa caption, may nahalungkat at nalaman daw muli sa past ng s3xy star.

Sa comment section, naging open naman ang nasabing page ni Xian Gaza na hindi sila mag sasalita at hahayaan na lang nila na sa mga taong involved manggaling mismo ang balita.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang isa sa mga hinahangaang aktres na si AJ Raval dahil sa kanyang pagkakaugnay umano sa isang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa isang picture na pinost ng netizen na kuha umano sa mismong labas ng kanyang kwarto.

Sa video na ibinahagi ng netizen, ipinakita niya ang view sa mismong labas ng silid ng aktres. Karugtong ng maiksing video ay nilagay ang picture na ibinahagi naman ni Aljur kamakailan lang din. 

Inalmahan naman ni AJ ang pag-uugnay sa kanya sa nasabing aktor matapos mag post din si Aljur Abrenica ng isang picture na kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito na pareho umano sa background din ng kwarto ni AJ Raval. 



ng background ng picture na pinost ni Aljur Abrenica at ang background ng view sa labas ni AJ Raval ay parehong-pareho nang inihambing ang dalawa ng mga netizens. 

Depensa naman ng aktres na “edited” umano ang mga nakikita ng mga netizen sa social media tungkol sa videos at picture. Ito ang sabi ni AJ sa comment section.

Matatandaang, nag viral din noon si AJ matapos niyang pinainit ang social media matapos ang kanyang viral na vlog na tungkol sa isang car wash. Pansin na pansin ang kanyang white sexy dress habang klarong klaro ang kanyang undies.

Sa simula ng kanyang vlog, sinabi ni AJ na Hindi talaga ako marunong mag car wash." Sinabi rin niya na maging quick vlog lang ito dahil baka pagagalitan  siya ng kanyang ama na si Jeric Raval.

Sa kanyang vlog, makikitang nililinisan niya ang kanilang sasakyan na Ford habang suot ang kanyang napaka sexy na white dress.


Ibang video rin  ni AJ ang nag trending matapos ang kanyang nag viral na s3xy outfit habang naglilinis ng kanilang bahay. 

Inamin naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval na hindi niya gusto ang ipinapakita ng kanyang anak sa social media. Ngunit, suportado pa rin niya ang kanyang anak dahil alam niyang dito sasaya si AJ. At bilang ama, siya ang nagsilbing gabay ng kanyang anak sa mga ginagawa nito.

Source: hottesttrendzonline