Maraming mga netizen ang natuwa ngayon dahil sa good vibes na dala ng mag-friendship na sina Awra Briguela at Julia Barretto sa social media.

Natuwa ang marami dahil umano sa mga panay na pag post ni Awra Briguela sa kanyang TikTok account kasama ang kanyang kaibigan na si Julia Barretto.

Makikita sa kanilang mga videos, na close na close talaga ang dalawa. Pampa good vibes lahat din ang kanilang mga upload videos.

Minsan ay nag post din si Awra na na mi-miss niya ang kanyang friendship na si Julia sa kanyang Instagram account.

Ang post na ito ni Awra ay umani ng mga positibong feedbacks mula sa mga netizen. Ika ng marami, sweet daw pakinggan ang nasabing post. 

"I miss you honey bunch my love so sweet sugar boo," post ni Awra sa kanyang Instagram account. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing sweet post ni Awra para kay Julia:

You are both beautiful in your own way," 

"Super ganda ni Julia".

 "Grabe si Julia! Ganda ka din Awra" 

Sa kabila ng mga good vibes ni Julia sa social media kasama si Awra, hindi pa rin malimot-limot ang mga tao ang nangyaring kontroberysal na relasyon ng bagong nobyo ngayon ni Julia na si Gerald Anderson.


Kamakailan lang ay naging trending ang relasyon nila ni Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Samu’t saring komento ang binigay ng mga netizen tungkol sa relasyong Julia at Gerald.

Sa isang heartfelt interview kay Gerald Anderson sa isang ABS-CBN show na “I Feel U,” napag usapan ng host, Toni Gonzaga at ni Gerald Anderson ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. 

May inamin si Gerald na ayon sa kanya ang relasyon nila ni Julia Barretto ay nagbigay ng kakaibang happiness, inspirasyon at motivation sa kanya. Sabi niya na ang ganitong klaseng malalim na pakikipagrelasyon ay marahil maiuugnay sa kanyang maturity sa edad na 32.

“Ibang joy, ibang inspiration, hindi ko rin ma-explain eh,” paliwanag ni Gerald kay Toni.

Sinabi niya na ang pakikipagrelasyon niya kay Julia ang siyang nagbigay ng motivation sa kanya at kakaiba talaga ang kanyang naramdaman sa panibagong relasyon niya ngayon.

“Parang nabibigyan ako ng bagong motivation. Hindi ko rin alam kung kasama rin sa edad ko, 32 na ako, so iba na.”

Nabanggit din niya na laking pasasalamat niya sa unconditional love ni Julia at ang suportang ibinigay ng girlfriend niya sa kanya. Sinabi niya na feel niya na lagi niyang pwedeng takbuhan at palagi lang nasa tabi niya si Julia at lalo pa siya tinulungan nitong patatagin sa kabila ng mga problema sa buhay.

Unconditional. Talagang, parang alam ko na sa tropa ko sa sundalo, alam kong andyan siya by my side. Siya yun

Source: KAMI