Umabot ng ilang milyong views ang TikTok video ng isang batang babae na takot na takot habang may itinuturo sa kanyang ina sa loob ng kanilang kwarto.

Sa video, makikita na panay ang pagtuturo ng bata at habang sanasabi niya sa kanyang nanay na takot na takot siya. Panay ang turo ng bata, ngunit sila lang dalawa ng kanyang nanay ang nandoon. 

Sa "On Record," mapapanood ang Tiktok video kung saan may itinuturo sa pinto ang batang si Thalia, kahit dalawa lang sila ng kaniyang inang si Jam Montalbo sa kuwarto sa kanilang inuupahang bahay sa San Pascual, Batangas.

Ayon kay Jam, walong taon na silang nangungupahan ng kaniyang pamilya sa kanilang apartment, pero nagsimula siyang makakita ng mga kaluluwa at elemento apat na taon ang nakalipas noong magkaroon siya ng anak.

"Noong napansin ko na po na natatakot siya, nararamdaman ko 'yung feeling noong dating nakakakita ako, pero hindi ko nakikita kung nasaan siya, kaya tinatanong ko ang baby ko kung 'Saan siya nakatayo? Ano ang ginagawa niya?' Kasi siya lang ang nakakakita," sabi ni Jam.

Hanggang, ibanaling na ni Thalia ang atensyon niya sa paanan ng kama at tila nakikipaglaro na ng "Peek-a-Boo.

Nasa isip ni Jam, aktibo umano ang third eye ng bata. Gaya rin ng kanyang anak, may third eye din si Jam, ngunit pinasara na niya ito. Pero hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin siya ng mga kakaibang bagay.

Ayon kay Ghello Enoval, isang clairvoyant, hindi niya nakitang imahinasyon ang umiiral sa mag-ina dahil bigla nilang itinuturo ang mga elemento umano.

Sa pamamagitan ng pagguhit, inilarawan ni Jam na may nakita siyang kaluluwa ng isang matandang babae na may saksak sa tagiliran. Habang ang panganay niyang anak ay may nakita rin na isang malaking itim na lalaki.


Tunghayan kung paano ang ginawang pag-iimbestiga ni Enoval sa video. Makukumpirma kaya na kaluluwa talaga ang sinasabing gumagambala sa kanila? Panoorin ang video. 

Marami ng mga kwentong kababalaghan ang naibahagi na sa social media at ilan doon ay napatunayan ng may kakaibang bagay talaga na nangyayari. 

Ang ilan naman ay patuloy pa rin inaalam ang dahilan sa mga naturang kakaibang bagay. 

Matapos in-upload ang video sa social media naglabasan ang mga haka-haka ng mga netizens sa kung ano ang pinag-ugatan ng pangyayari.

Nang nagpakita ng video si Agon Otniscal at ng mga kasamahan nito sa bahay ang kanilang CR na ilang beses na nagbubukas at nagsasara kahit walang tao sa loob. 

Makikita rin sa video na wala namang hangin na pumapasok sa loob na kayang itulak ang pintuan pabukas at pasara ng ilang beses. 

Ramdam na ramdam sa mga kasamahan ni Agon ang pangingilabot habang kinukunan ng video.

“Wala kaming kasalanan,” sabi ng isang kasamahan nila na halatang kinikilabutan na. 

Ang dalawang video na pinost ni Agon na nag-viral sa Facebook ay umani ng magkabilang reaksyon mula sa mga netizens. 

“Just pray for them kung sino man sila para matahimik na souls nila. Amen”

“May mga bata mismo sa loob ng cr. Nasa pader, wala sa yero. Tingnan n’yo maigi kahit wala, kayo anong makikita nyo. Medyo madumi yung bata. Parang nagpapansin lang siya.”

“There’s a scientific explanation about that. May malapit nang pintuan o may katapat ng bintana diyan? Kasi yung pinto ng CR ng friend ko kapag binubuksan yung front door, bumubukas yung pintuan ng CR.”

Agad na nag Facebook live si Agon upang lalong maunawaan ng mga netizens at makita nila ang talagang nangyayaring kakila-kilabot at dito niya nakuwento na na ginagawa palang ang kanilang bahay at hindi pa ito tapos.

Ipinakita din niya ang loob ng cr at wala naman talagang bintana at at wala pang kisame. 

Sabi niya na ikatlong araw na yung paulit-ulit na nangyari. Isang araw na ang nakalipas ng anibersaryo ng pagyao ng kanyang lola at ganoong floor din daw yumao ang kanyang kuya.


Sa kasunod na araw, nag-update si Agon sa kanyang post sa mga larawang ipinadala sa kanya ng mga netizens na binilugan pa umano ang mga nakikitang kahina-hinalang mukha. 

Hanggang ngayon patuloy pa rin naghahanap ng sagot is Agon at ang kanyang mga kasamahan kung ano nga ba ang totoong dahilan ng paggalaw ng pinto. 

Sa ngayon, pilit pang inaalam ang mga nakatago sa likod ng kababalaghan na ito. Siyensya ba o talagang may supernatural?

Panoorin ang buong video dito!