Normal lang sa isang babae na nagdadalang tao na pagdaanan ang paglilihi. Kadalasan na pinaglilihian ng mga buntis ay ang mga prutas na maasim, gaya ng manggang hilaw, santol at iba pa. Minsan din naman ay matatamis na pagkain.

Marami ang mga naniniwala na ang bagay na pinaglihian ng isang buntis ay maging ganun din ang itsura o katangian ng isang bata. 

Gaya ng sabi nila na kapag pinaglihi sa manika ang isang bata, magiging kamukha raw ito ng gaya sa manika. 

Pero sa kwentong ito, kakaiba ang paglilihi ng isang babae mula sa bansang Indonesia. Napaglihian lang naman nito ang isang sabon na pampaligo.

Kinilala ang babae na si Khosik Assyifa mula sa probinsya ng East Java. Ang pagkain ng sabon ay hindi ni minsan sumagi sa kanyang isipan na, ito ang kanyang mapaglilihiang kainin.

Nagsimula ang lahat ng aksidenteng matikman ni Khosik ang sabon na ginagamit niya pampaligo. Tulad ng ibang sabon na may mga 'fruity flavor' ang isang ito ay manamis namis at mala-prutas ang lasa.

Kaya naman, tinikman niya itong muli at naging parte na ito ng kanyang paglilihi, ang pagkain ng sabon na pampaligo.


Aminado si Khosik na kakaiba at nahihiya siya sa pinaglilihian niya, kaya palihim niya itong ginagawa at madalas nagtatago sa kanyang asawa kapag siya ay kumakain ng sabon.

Makalipas ang ilang buwan, nanganak na si Khosik  at habang buntis ito ay hindi siya nakaramdam ng pagsama ng kanyang pakiramdam o sa kanyang tiyan dahil sa patuloy niyang pagkain ng sabong pampaligo.

Maging ang kaniyang anak ay normal naman at magpasa-hanggang ngayon ay malusog ito at walang naging sakit mula nang ipinanganak.

Ngunit hindi kagaya ng ibang buntis, ang paglilihi ni Khosik ay hindi natuldukan matapos niyang manganak.

Nagtuloy-tuloy ang pagkain ng sabon ng 21-anyos na Indonesian, bagay na kaniyang ikinagulat dahil hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang pagngata rito.

Dahil sa kakaibang paglilihi ni Khosik, nag viral ang kanyang video habang siya ay kumakain ng sabon na pampaligo. Ngunit, hindi lamang ito pang meryenda ang sabon.

Kundi sa itong kakaibang pagsusuri sa isang brand ng sabon, kung saan pinapakita niyang tinitikman, sinisipsip at kinakain ang mga ito para alamin kung anong masasabi niya sa produkto.


Higit 270k libong beses itong napanood sa social media account ni Khosik. Kita naman anila na gustong gusto nito ang kaniyang ginagawa.

Pinapaalahanan naman ang lahat na hindi kailanman naging pagkain ang sabong pampaligo. Maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa katawan ng isang buntis at maging sa batang dinadala.