Hindi pa rin matapos tapos ang isyu na ito tungkol sa isa sa mga higit na pinag-uusapan ngayon sa social media na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na kamakailan lang ay pinagkakaguluhan ang kanilang hiwalayan. 

Hindi nagpahuli ang isa sa mga kilalang batikang host na si Cristy Fermin sa pagbibigay ng kanyang komento ukol umano sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie at Aljur. 

Sa episode niya sa kanyang programa na “Cristy Ferminute,” may bago namang pasabog na rebelasyon si Nanay Cristy tungkol umano sa na-link na isang tattoo artist kay Kylie Padilla.

Ang rumors na ito ay galing umano sa Daraitan sa Tinay na nakita daw nila si Kylie at ang rumored tattoo artist na magkasama. 

“Itong mga taong ito na nagsasalita ay mga taga-Tabing Ilog, Daraitan, Tanay.” 

“Ang nagpapalabas kasi ng mga impormasyon, mga taga-roon mismo sa Daraitan. Na diumano ay nakita sila doon, tatlong araw yata silang nag-stay doon n'ung tattoo artist na mahaba ang buhok, may kaputian, pero 'di kagwapuhan. Gan'on ang paglalarawan e, 'di ba?” 

“Mayroon yang nagga-guide sa kanila tapos pinicturan sila, pinabura ni Kylie. Pero siyempre, kung gan'on ka katagal na nag-stay sa isang lugar, imposibleng hindi kumalat 'yon. Makikita at makikita talaga sila n'ung mga lokal.” 

Ayon pa kay Cristy, kailangan na umano ni Kylie na bigyan na ng atensyon ang mga pakalat kalat na tsismis sa social media kahit na patuloy pa niyang tinatanggihan ang mga paratang sa kanya tungkol sa mga lalaking dawit umano sa hiwalayan nilang Kylie and Aljur. 


“At ang sabi, kissing daw sila ng kissing. Ibig sabihin, naghahalikan lagi. Kaya 'yan, kailangan tutukan talaga 'yan ni Kylie, taga-Daraitan na po ang naglalabas ng mga kwento, hindi po mga reporters. Kailangan niyang tutukan ito, ipinanganak itong isyu na ito n'ung mag-deny siya sa KMJS.” 

Matapos ang one-on-one interview ni Jessica Soho kay Kylie Padilla sa kanyang programa na Kapuso Mo, Jessica Soho, agad na nagbigay ng komento si Cristy Fermin tungkol dito. 

Ang trending na interview na ito ay ang naging topic ni Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute. Dito niya ibinahagi kung ano ang kanyang napansin sa interview ni Kylie.

Ayon kay Cristy, parang nagsisinungaling umano si Kylie nang sinabi niya na mabuti lang siya sa kanyang nararamdaman ngayon. 

Hindi umano kumbinsido ang nasabing host sa mga sagot ni Kylie kay Jessica noong tinanong na siya tungkol sa kanilang hiwalayan ni Aljur.

“Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho. Sabi nga ni Jessica, 'Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata 'yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot.

Sabi siya nang sabi na, 'Yeah, I'm happy, I'm good. Yeah, my kids are happy, they're okay,' pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya," ani ni Cristy.


Sinabi ni Cristy na maaring magsinungaling ang isang tao, ngunit sa mata mo makikita kung nagsisinungaling ba siya o hindi. 

“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nasasalita, 'yung po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin. At kagabi, kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie," dagdag pa nito.

Source: KAMI