Isang nag viral na patutsada na naman ng isa sa mga kilalang hosts na si Cristy Fermin matapos magbigay ng kanyang prangkang komentaryo tungkol kay Councilor Mikee Morada.

Nagbigay siya ng kanyang reaksyon tungkol sa isyu kung saan involve sina Lolit Solis at ang husband umano ni Alex Gonzaga.

Nitong October 13 lang, sa isang episode ng kanyang show na Cristy Ferminute, sinupalpal niya ang naging reply ni Mikee sa post ni Lolit na kung saan sinabi niya na nagkaroon ng miscarriage ang kanyang asawa na si Alex.

Naniniwala si Cristy Fermin na walang mali si Lolit sa kanyang naging post. 

“Sa ginawa ni Manay Lolit kahit anino ng libelo, wala, 'di ba? Napakaganda ng kanyang sinabi. Nag-wish pa siya ng maganda para sa mag-asawa, ‘di ba?" sabi ni Cristy.

Nagbigay na rin ng mensahe si Nanay Cristy para kay Councilor Mikee Morada:

"Ano ba naman si Konsehal Mikee, ano na ba itong pinaggagawa mo? Mukha yatang gusto mo na ring mag-showbiz. Ako ang sagutin mo ngayon ng ganitong pailalim. 

Sagutin mo ako ng sarkastiko. Ako ang sabihan mo ngayon sa pagkukwestiyon ko sa'yo kung bakit patola ka na. Ano, nahawa ka na sa asawa mo? Na isang artista, gusto mo na mag-showbiz?

Alam mo, napakamaldito nitong ano mo. Kunwari lang gumamit ka ng 'po', 'opo' pero sarkastiko ito. Lalo na 'yung sinabi mong, 'Wag kayong gumagawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo't hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari,"pahayag ni Nanay Cristy.

Kilala si Alex bilang isa sa mga sikat na vloggers at aktres sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nagbigay na rin ng mensahe si Nanay Cristy kay Alex at sinabi niya na alam niya na ang mga Gonzaga sisters ay mga celebrities at alam na nilang dalawa ang mundo na kanilang pinasok.

Humingi na rin ng tawad si Lolit Solis matapos niyang ipost ang alleged miscarriage ng aktres. Humingi na rin siya ng tawad sa couple at maging sa fans ng dalawa. 


Nilinaw ni Lolit Solis na wala siyang masamang intensyon at wala siyang balak din na i-offend ang couple.

Matatandaan, binatikos din ni Cristy Fermin si Jinkee Pacquiao dahil umano sa mamahaling OOTD ng nasabing social media influencer. 

Umabot kasi sa mahigit dalawang milyong piso ang OOTD ni Jinkee kaya marami ang namangha at napa-wow sa outfit ng asawa ng Pambansang kamao. At isa na sa mga napa-wow sa suot ni Jinkee ay si Cristy Fermin.

Sa kanyang online show, dito niya dahan-dahang tinusta si Jinkee at walang kaabog-abog na nagpahayag ng kanyang opinyon:

“Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa kaniyang kagamitan.

“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami daming nagugutom na pamilya, ang dami daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan,” saad ni Cristy.

Sa kabilang banda, sa recent Facebook post ni Jinkee, nag-upload ito ng kanyang photo na may caption na tila bwelta niya sa mga netizen na nagbigay ng mga negatibong komento sa kanya matapos ang kanyang OOTD isyu.


“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.

“God is good all the time!”

Maraming mga netizen ang bumuo agad ng kanilang mga espekulasyon tungkol sa post ni Jinkee na pawang si Cristy Fermin umano ang pinatatamaan niya ng kanyang maanghang na post.

Source: KAMI