Viral na viral na ngayon ang isa sa mga kilalang mga TikToker na si Khyla Tuazon at ang kanyang nobyo na si Juma Matar matapos desididong kakasuhan ng food rider ang couple dahil sa sinabihan siya umano na magnanakaw. 

Naiyak na lang umano ang isang food rider na dumulong sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) dahil pinagbibintangan umano ng couple na magnanakaw ang naghatid ng kanilang pagkain na inorder.

Ayon sa ulat, nagsimula raw ang kanilang alitan nang napansin daw ng couple na ito na kulang umano ng lasagna ang na i-deliver ng food rider. Sa video na ibinahagi sa Tiktok, dito na sinabihan ng couple na magnanakaw ang food rider. 

Sa pangangalap ng RTIA ng impormasyon tungkol sa isyu, lumalabas na inamin umano ng restaurant na sila ang nagkulang at hindi ang rider. 

Iminungkahi ng RTIA na magharap muli sa barangay ang magkabilang panig ngunit sa labis na trauma na naidulot ng pangyayari sa rider, desidido na ito na sampahan ng kaso ang TikTok couple. 

Maraming mga netizen ang hindi natuwa sa ginawang pag video ni Khyla Tuazon at nakuha pa umano itong ipost pa sa TikTok account at ani ng mga nakakita ng videos, para makaani ng maraming views kaya pinost ito ng couple. 

"Manghahamak lang kayo ng tao para sa views niyo at sa likes niyo," naluluhang sinabi ng rider.

Dahil dito, iminungkahi ni Atty. Sam Ferrer na muling pagharapin ang magkabilang panig sa barangay. Subalit tila ayaw na ng rider gayung nagkaharap na sila ngunit ramdam nitong hindi bukal sa kalooban ng dalawa ang paghingi ng tawad sa kanya. 

Buo na sana ang desisyon ng nasabing food rider ngunit nakumbinse umano ito ng programang Raffy Tulfo in Action na magharap umano silang muli sa barangay kasama ang isa sa kanilang mga staff. 



Ayon pa kay Atty. Sam, hindi lamang isang kaso ang maaring isampa sa magkasintahan sakaling magdesisyon na talaga ang rider na sampahan ng mga ito ng kaso. 

Sa isang Facebook post ng netizen, nagpapakita ng simpatiya sa ginawang pang-iinsulto umano ng couple sa kanya.

Basahin ang buong post ng isang netizen na kilala umano niya ang rider na pinagbintangang magnanakaw.

“Pki usap lng po wg tyo mag discrimination ng kapwa ntin base lng sa LASAGNA at ssabihan sa VLOG ng mga salita n below the belt 

Khyla Tuazon naisip m b kong nggutom dn c rider?😠 (selfish ka girllllll) ikaw naman JUMA MATAR mag isip ka muna ng content ng vlog mo kng makakasira o mkka buti dn sa tao....GREENWICH TAYUMAN pki check nman po mabuti yng mga orders sa inyo bgo nyo ibigay s mga RIDERS kc in the end na may kulang ang mga riders na naghahanap buhay dn ang napapahamak...

Nag post lng po ko at nag comment dhl matagal k dn po nka sama c ARJUNA juna GARIALDE (1 po cxa taker boys nmin dti sa politiko na aming sinuportahan)....


Nag hhanap buhay cxa ng marangal kyo lng ang ddungis cno nga nman ang mag ttiwala dn sa tao na snabihan nyo ng MAGNANAKAW AT BWISET?!!!!

#LESSONLEARNED

#TULFOINACTION

fight for your self MGA KA RIDERS 🚴‍♂

Panoorin ang buong video dito!