Dahil sa patuloy pa rin na pinag-iinitan ang isyu tungkol sa totoong dahilan ng kontrobersyal na hiwalayan nila ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi rin pinalampas ni Cristy Fermin ang pagbibigay ng komento ukol sa nasabing isyu. 

Ayon kay Cristy Fermin, sa kanyang programa na “Cristy Ferminute,” naging paksa umano ni Cristy ang totoong dahilan sa hiwalayan nila ni Kylie at Aljur Abrenica.

“Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden,” paglalahad ni Cristy.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay.”

“Merong nagaganap sa kabila ng sila pa ang magkasama,” dagdag pa nito.

Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang pasabog na rebelasyon ni Aljur Abrenica tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Kylie Padilla. 

Sa official Facebook account ni Aljur, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 


"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Nabanggit rin ni Aljur na sa panahong nag open up si Robin Padilla, tatay ni Kylie, naging one-sided umano ang kanyang dating sa publiko.

Ngunit ang lahat ng ito daw ay tinaggap lang ni Aljur at mas pinili na lang niyang manahimik sa mga oras na iyon. 

"When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth," paliwanag ni Aljur. 

"Tell them who cheated first. Tell them who you are with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth," aniya. 


Sa recent Instagram post ni Kylie, kung saan makikita siyang nasa field at may nakalagay na caption na, "Beth's shoes are so heavy."

May isang netizen ang nag komento “Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?"

Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you patu mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po,” ang comment ng netizen.

Agad namang pinabulaanan ni Kylie ang mga ito at sinagot ang netizen ng, “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

Source: okayy