Patuloy pa rin ang isyu tungkol sa na totoong dahilan umano sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Kamakailan lang ay umugong ang usap-usapan na nabenta na raw ni Aljur Abrenica ang bahay nila ni Kylie.

Kalat na kalat ngayon sa social media tungkol sa rumor na binenta daw ni Aljur Abrenica ang bahay nilang mag-asawa sa may Scout Fuentebella, Quezon City na nabili raw noon ni Kylie sa isang radio personality na si Kaye Dacer. 

Ito ang naging topic umano nila ni Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa pockoh sa Showbiz Update sa YouTube channel. Kanilang napag-usapan ito dahil curious sila kung nabenta na ba ang bahay at kung napaghatian ba nila itong dalawa.

Sabi ni Ogie, “Nu’ng pumasyal ako dati sa bahay ni Aljur at nakita ko si Kylie. Sobrang abala si Kylie sa pag-aalaga ng mga bata. Tama naman si Kylie parang napagod ‘yung katawan niya dahil magkasunod na taon, e, nanganak siya.

“So that time hindi ko alam kung naibenta na ni Aljur ‘yung bahay dito sa Scout. ‘Yung bahay na ‘yun nabili niya kay Kaye Dacer tapos binebenta ni Aljur kaya nu’ng nakita ko ‘yung bahay ni Aljur okay naman siya.

“Sabi ko konting renovation lang para mas maganda ang presyo. Hindi ko lang alam for now kung naibenta na ba at napaghatian na nila (ni Kylie).”

Balik-tanong ni mama Loi, “Tingin mo ‘nay nu’ng time na binebenta ‘yun on the rocks na ‘yung dalawa (Aljur at Kylie) parang pangitain?”

Mabilis na sagot ng talent manager cum vlogger, “Hindi, nandoon pa si Kylie, eh.”

Dagdag pa, “mayroon lang nagtsika sa akin na na-shock siya dahil naubos daw ‘yung savings ni Kylie.” Nagulat sina mama Loi, tita Jegs at Dyosa Pockoh.

“Baka ‘yan ‘yung sinasabi ng pinsan ‘nay?” sambit naman ng co-host ni Ogie.


Ang sinasabing pinsan ay ang nangangalang Princess Paulino na hindi mahanap ang social media account pero nag-post siya na may utang si Aljur kay Kylie at ang huli rin ang gumagastos sa kanila kapag walang maiabot ang aktor.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “mayroon kasi kaming common friend ni Kylie na na-shock siya na mayroon pang P6 million si Kylie parang depleting talaga ‘yung savings niya.

“So, parang nu’ng tinanong si Kylie, ‘ano bang nangyari?’ Bakit ganito na lang ang pera mo? E, kasi nga kinakapos sila ni Aljur kaya siya ‘yung bumubunot, so, konting-konti na lang ang pera ni Kylie.”

“So, kung si Kylie ‘yung bunot ng bunot, ibig sabihin walang binubunot si Aljur?” tanong ni mama Loi.

Idinaan sa biro ng talent manager, “naku, ikaw nagsabi niyan ha? Hindi ako!”

“Ako nga nagsabi pero ikaw naman ang maku-quote, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ng katabing host.

“Ako naman ang maba-bash (sabay pikit ng mata) kakaloka, “tumawa ring sabi ni Ogie.

Say pa, “hintayin natin si Kylie kung totoo ban a from like P6 million ay wala na siyang pera nu’ng umalis kay Aljur.

“E, hindi naman natin siyempre puwedeng husgahan si Aljur na wala siyang ginagastos bilang padre de pamilya di ba? Kasi that time kasama ko siya sa Sandugo (serye -2019), so kumikita pa si Aljur,”balik-tanaw ni Ogie bilang isa rin siyang aktor.

“Oo, saka di ba ngayong taon mayroon siyang mga ginawang pelikula? Naka ilang lock-in siya?” saad ni mama Loi.

“Yeah, so abangan natin ‘yan kung anong latest diyan (dahil) araw-araw naman po may bago,” saad ni Ogie.

“Ha, araw-araw may pasabog kaya happy ang mga Mosang (tsismosa),” natawang sabi ni mama Loi.

“Pero ako bilang magulang hindi ako happy na ganyan ang nangyayari sa parents kawawa yung mga bata talaga. Ay naku, mag-isip kayong (Aljur at Kylie) mabuti pramis!” diin ni Ogie.

Matapos nagsalita ni Aljur sa nasabing dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla, hindi ito pinalampas ng isa sa mga pinsan ni Kylie. Sa kanyang post, hindi umano niya matanggap ang katotohanan umano na post ni Aljur.


Sa post ng pinsan ni Kylie, pinabulaanan niya si Aljur na magkaroon ng kaunting decency. Nakalagay pa sa kanyang post ang “feeling disappointed.”

Ipinaliwanag ng pinsan ni Kylie na hindi kailanman nag-cheat si Kylie kay Aljur. Sinabi pa niya na marami raw utang si Aljur kay Kylie at nag-cheat na rin si Aljur ng ilang beses na sa kanyang asawa. 

Dagdag pa niya, iresponsableng husband daw si Aljur at naging broken na si Kylie nang ilang beses dahil umano sa pambababae ni Aljur at kailanman ay wala umanong sinabi si Kylie na masama tungkol kay Aljur. 

Sinabi rin niya na sa sinabi ng ama ng kanyang tito Robin tungkol sa cheating , hindi raw iyon alam ni Kylie at nang malaman iyon ni Kylie ay hindi niya ito nagustuhan. 

Source: bandera